SSS pension loan application puwede na gawin online

Imahe mula sa SSS
  • Maaari nang gawin online ang pension loan application sa SSS
  • Layunin ng online application para sa loan program na hindi na magtungo ang mga pensioners sa mga sangay ng SSS lalo na ngayong may pandemya
  • Ang halaga ng maaaring ma-loan ay hindi hihigit sa P200,000

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na maaari nang gawin ng retiree-pensioners ang online application para sa Pension Loan Program (PLP). Ito ay matapos maglagay ang SSS sa website nito ng bagong pasilidad para sa mas madaling filing ng PLP application.

Imahe mula sa SSS

Layunin ng online application para sa pension loan na maiwasan na ang pagtungo sa mga sangay ng SSS lalo na ngayong may pandemya.

“Through the SSS’ continuous digitalization efforts, the pension loan program was made available online last September 15. Qualified retiree-pensioners can easily apply for the program without visiting our branches, which is either difficult or restricted, particularly for senior citizens, because of the COVID-19 situation,” pahayag ni SSS President and CEO Aurora Ignacio.

Ang bagong pasilidad ay magagamit ng mga qualified retiree-pensioners na dapat ay may rehistradong My.SSS online account, may aktibong mobile phone numbers at disbursement account na maaaring SSS Unified Multi-Purpose Identification card na naka-enrol bilang isang ATM card o kaya naman ay isang SSS-issued Union Bank of the Philippines Quick Card.

Imahe mula sa SSS

Para makapag-file ng application, ang isang retiree-pensioner ay dapat mag-log in sa kanyang My.SSS account. Buksan ang E-Services tab at i-click ang “Apply for Pension Loan.” Mula roon ay maaaring piliin ang nais na loan amount at term at mag-agree sa terms and conditions ng programa, at i-download ang PDF copy ng disclosure Statement.

Ipadadala sa pamamagitan ng email ang kumpirmasyon ng application at ang halagang ni-loan ay ipapasok sa disbursement account sa loob ng five working days.

Sa ilalim ng programa, ang retiree-pensioners ay maaaring mag-loan ng three, six, nine, o 12 times ng kanilang basic monthly pensions plus P1,000 additional benefit na ipinagkaloob noong 2017. Ang loan amount ay hindi maaaring sumobra sa P200,000.

Imahe mula sa SSS

Loading…