“Staycations” sa mga hotel sa GCQ areas puwede na

Imahe mula sa Marriot Hotels
  • Pinayagan na ng IATF ang staycations sa mga GCQ areas
  • Ang “staycation” ay isang “minimum overnight stay for leisure purposes” sa mga DOT-accredited accommodation establishments na malapit sa tirahan
  • Kung ikaw ay residente ng Metro Manila, maaari mo lang gawin ang staycation sa mga hotel na matatagpuan sa Metro Manila

Inanunsyo ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na  bukod sa mga health workers at exempted employees ay tatanggap na rin ng mga staycation guests ang mga hotel sa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Imahe mula sa DOT

Anang Tourism secretary, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng DOT na humanap ng mga pamamaraan upang palakasin ang turismo kahit may community quarantine.

“Upon the recommendation of the Department of Tourism to explore various ways in restarting tourism activities during quarantine, the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases approved during its Principals Meeting on September 10, 2020 to allow staycations under GCQ,” sabi ni Sec. Romulo-Puyat.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang “staycation” ay isang “minimum overnight stay for leisure purposes” sa mga DOT-accredited accommodation establishments na malapit sa tirahan.

Ang ibig sabihin nito, kung ikaw ay residente ng Metro Manila, maaari mo lang gawin ang staycation sa mga hotel na matatagpuan sa Metro Manila.

Imahe mula sa website ng Belmont Hotel

“A staycation shall involve a minimum overnight stay for leisure purposes in a DOT-accredited Accommodation Enterprise located in proximity with one’s residence. For instance, residents of the NCR (National Capital Region) can staycation within NCR subject to the requirements of the Local Government Unit,” paliwanag ni Sec. Romulo-Puyat.

Maglalabas ng memorandum circular ang DOT na magsasaad ng mga regulasyon tungkol sa mga papayagang aktibidad sa staycation, tulad halimbawa kung hanggang ilang tao ang papayagan sa loob ng isang kwarto at paggamit ng mga ancilliary services tulad ng restaurants at recreational areas.

Imahe mula sa The Bayleaf Cavite
Source :

PNA, Inquirer

Loading…