STI napilitang magsara ng 12 eskuwelahan dahil sa mababang enrollment

Imahe mula sa STI Facebook
  • Napilitang ang STI na isarado ang 12 eskuwelahan nito dahil sa mababang enrollment
  • Pito rito ay titigil na ng operasyon habang  lima naman ang suspendido muna
  • Ito ay dulot na rin ng umiiral na coronavirus pandemic sa bansa

Napilitang magsara ang STI ng 12 sa mga eskuwelahan nito dahil sa mababang bilang ng enrollees para sa kasalukuyang taon bunga na rin ng umiiral na pandemya sa bansa.

Kabilang sa mga campus na isasara STI base sa regulatory filing nito sa Philippine Dealing & Exchange Corp. ay ang STI College Bohol Inc; STI College Recto Inc.; Sungold Technologies Inc.; STI College Pasay Inc.; STI College Dipolog Inc.; STI College San Francisco Inc.; at ang STI College Parañaque Inc.

Imahe mula sa STI Facebook

Samantala, suspendido rin muna ang operasyon ng mga sumusunod na branch ng STI: STI Cebu; STI Iloilo; STI Quezon Avenue; STI Tuguegarao; at STI Pagadian.

“STI ESG determined that continuing the operations of these schools was no longer viable due to low enrolment turnout and the high cost of facility rental,” ayon sa pahayag ng pamunuan ng eskuwelahan.

Ganunpaman, nilinaw din ng STI na “suspension and cessation of operations of the STI schools would not have a material impact on the corporation since most of the affected students would be transferred to other STI schools.”

Imahe mula sa STI Facebook

Ang STI Education Services Group Inc., ay isa sa may pinakamalaking network ng private schools sa bansa. Sa kasalukuyan, mayroong itong 76 branches at kalahati nito ay pag-aari mismo ng kumpanya habang kalahati naman ay naka-franchise.

Kabilang sa mga degree programs na inaalok ng eskuwelahan ay may kinalaman sa information technology, business and management, tourism, computer engineering, accountancy, communications, multimedia arts at marami pang iba.

Ang ilang campus naman ay nag-aalok rin ng senior high school program.

Loading…