Tagaytay bukas na sa mga turista, travel pass hindi obligadong ipakita sa checkpoint

Imahe mula sa City Government of Tagaytay
  • Tagaytay City muling binuksan para sa mga turista
  • Hindi na kailangang magprisinta ng travel pass ang mga turista
  • Mahigpit na ipatutupad ang minimum health standards para sa proteksyon ng lahat

Unti-unti nang nagsisibalikan ang mga turista sa Tagaytay City matapos ianunsyo ng city government na tumatanggap silang muli ng mga bisita magmula nang isailalim ang lungsod sa modified general quarantine noong September 1.

Imahe mula sa Byaheng Katagal;ugan

Pinaalalahanan ng City Administrator na si Engineer Gregorio Monreal na kailangang sundin ng mga turista ang minimum health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

“’Yung mga gustong pumunta sa Tagaytay ay hindi natin puwedeng mapigilan, welcome sila sa atin pero kailangan nilang sumunod sa minimum public health standard. Bagamat ang ating guidelines ay nasa quarantine protocols pa rin tayo, pero ‘yung mga gustong pumunta sa Tagaytay ay hindi natin mapipigilan,” ani. Engr. Monreal.

Aniya, mayroon pa ring mga checkpoints sa entry at exit points ng lungsod subalit hindi oobligahin ang mga bisita na magprisinta ng travel pass. Ang kailangan lang ay mag-fill-up ng health declaration form.

Naglabas ng memorandum si City Mayor Agnes Tolentino noong September 1 para sa guidelines na dapat sundin ng mga establisimyento, mga tanggapan, public transportation, religious groups at mga barangay.

Kailangan umanong sundin ang mga health standards at protocols upang maproteksyunan ang mga workers at turista.

Imahe mula sa Cavite News

Pinapayagan ang mga hotel na mag-operate ng hanggang 50% capacity nito. Kailangang kumuha ng certification at accreditation mula sa Department of Tourism ang mga hotel bago makapag-operate.

Ang mga pribadong sasakyan ay papayagang maglabas-masok sa Tagaytay kung sinusunod ng mga pasahero nito ang physical distancing.

Inaasahan na sa muling pagbubukas ng pinto ng Tagaytay para sa mga turista ay makababawi na ang city government at mga negosyanteng nawalan ng kita dahil sa pandemya.

Imahe mula sa City Government of Tagaytay

Loading…