Taguig nag-deploy ng Robonurses para mabawasan ang exposure ng medical frontliners sa COVID-19

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page
  • Mga robonurses ideneploy sa Taguig City upang maging katuwang ng mga medical personnel
  • Sa pamamagitan ng mga robot ay mababawasan ang exposure ng mga health workers sa COVID-19
  • Ang mga robonurses ang magdadala at magbibigay ng gamot sa mga COVID-19 patients habang nakamasid sa monitor ang mga nurses

Nag-deploy ng robonurses ang Taguig City na tutulong sa pangangalaga ng mga COVID-19 patients bilang isang hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga medical frontliners.

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page

Sa pakikipagpulong sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases-Coordinated Operations to Defeat COVID-19 (IATF-CODE) na ginanap sa Lakeshore Hotel Mega-Quarantine Facility, sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na ang ginawang hakbang ay nagpapakita na hindi natatakot ang siyudad na gumamit ng makabagong teknolohiya sa pagtugon sa pandemya.

“Amid the pandemic, Taguig has also shown that it is unafraid of technology. This time, to minimize the hazards for our health workers, we will be deploying our ‘Robonurses’,” ani Mayor Cayetano.

Aniya, ang mga robonurses ay ginawa ng Taguig Robotics Team na kinabibilangan ng mga estudyante na siya ring gumawa ng robot na ginamit noon sa mga cybergraduations sa mga pampublikong paaralan sa lungsod noong buwan ng Mayo.

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page

Paliwanag ni mayor, ang mga robot ang magdadala at magbibigay ng gamot sa mga COVID-19 patients habang ang mga nurses ay magmamasid lang sa monitor na nasa ulo ng robonurse.

“These robots will physically carry medications and other supplies to COVID-19 patients while the nurses look on from the monitor at the head of the robot,” aniya.

Nangako si Mayor Cayetano sa mga mamamayan ng Taguig na patuloy na pagagandahin at pagbubutihin ang sistema ng lungsod sa pagtugon sa health crisis.

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page

“Our COVID-19 plans stretch up to December next year to make sure we will cover the needs of our citizens sufficiently post-pandemic. That means we have time to push the boundaries. The Taguig leadership has ensured adherence to the test-trace-treat approach, beefing up our capabilities on all fronts. We have acted with urgency and innovated to cope with the challenges,” anang alkalde.

Ang Taguig City ay may limang quarantine facilities para sa COVID-19 patients at para sa mga probable at suspected cases.

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page
Source :

Facebook, PNA

Loading…