Tanggapan ni VP Leni nakakuhang muli ng pinakamataas na audit rating sa COA

  • Kinilala ng Commission on Audit (COA) ang Office of the Vice President sa ikalawang pagkakataon
  • Ito ang nakakuha ng pinakamataas na audit rating at “unqualified opinion”
  • Nakakuha rin ng mataas na rating sa COA ang Energy Regulatory Commission sa ilalim ng Department of Energy at Insurance Commission sa ilalim naman ng Department of Finance

Nakakuha ng pinakamataas na audit rating ang Office of the Vice President sa ilalim ni Vice President Leni Robredo, ayon sa ulat ng Commission on Audit o COA.

Ito na ang ikalawang pagkakataong kinilala ang tanggapan ni VP Leni bilang “unqualified opinion” o naging transparent sa lahat ng liquidation ng kanilang gastusin ang kaniyang tanggapan, simula pa noong 2018 at nitong 2019. Ibinida ito sa opisyal na Facebook page ni VP Leni.

Imahe mula sa Facebook page ni VP Leni Robredo

“The Office of the Vice President once again received the highest audit rating from the Commission on Audit (COA)!” ayon sa post.

“In a report it transmitted to the OVP, the COA rendered an ‘unqualified opinion’ on the fairness of the presentation of the OVP’s financial statement, this time for 2019. The report, dated July 31, was signed by Supervising Auditor Edna P. Salaguban.”

Nakakuha rin ng mataas na rating sa COA ang Energy Regulatory Commission sa ilalim ng Department of Energy at Insurance Commission sa ilalim naman ng Department of Finance.

Sa kabilang banda, nasita naman ng COA ang hindi nagalaw na pondo ng OVP para sa medical assistance program. Ang naturang programa ay nakalaan sa pagbibigay ng kaukulang financial assistance sa publiko para sa mga chemotherapy, operasyon, hemodialysis at iba pang mga medical procedures para sa mga kapus-palad.

Subalit naipaliwanag naman ng OVP ang dahilan nito, gaya ng pagkaka-ban sa pagbibigay ng financial assistance sa kasagsagan ng 2019 election period.

Public Domain Image

“Lahat ng government offices, dapat ina-aspire ito, pinagtatrabahuan. Kasi kapag ina-aspire mo na magkaroon ng unqualified opinion, sinisiguro mo na lahat ng proseso mo malinis. Hindi ka nalulusutan. Maayos lahat ‘yung papeles, maayos lahat ng proseso,” ayon naman kay VP Leni.

Tiniyak ng Pangalawang Pangulo na simula nang maupo siya sa kaniyang katungkulan, kailangang makasunod ang kaniyang tanggapan sa International Organization for Standardization; kailangang maging consistent at transparent ang kanilang mga serbisyo, lalo na sa paggasta sa kanilang limitadong pondo at resources.

Sa panahon ng pandemya, aktibo ang OVP sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng pandemya. Hindi rin sila nagpabayang tulungan ang mga medical frontliners. Isa na rito ang pagbibigay nila ng libreng shuttle service upang may masakyan ang mga doktor, nursers, at iba pang mga frontliners patungo sa kanilang trabaho.

Loading…