Taong naka-jetpack nakitang lumilipad katabi ng mga eroplano

Imahe mula sa Wizard Technical
  • Lalaking naka-jetpack nakitang lumilipad katabi ng mga eroplano
  • Dalawang piloto mula sa magkaibang airlines ang nakakita sa lalaking naka-jetpack
  • Iniimbestigahan na ng FBI at FAA ang insidente

Naglunsad ng imbestigasyon ang Federal Bureau of Investigation (FBI) matapos mag-report ang ilang piloto na pababa sa Los Angeles International Airport (LAX) na nakita nila ang isang taong naka-jetpack na lumilipad sa tabi ng kanilang eroplano.

Imahe mula sa American Airlines

“The FBI is aware of the reports by pilots on Sunday and is working to determine what may have occurred,” pahayag ni FBI spokesperson na si Laura Eimiller.

Dalawang airline pilots ang nagsabi na nakita nila ang taong naka-jetpack na lumilipad sa daraanan ng mga paparating na eroplano.

“Tower, American 1997. We just passed a guy in a jet pack,” mensahe ng American Airlines pilot sa control tower habang nasa final approach na ang eroplano niya sa LAX.

Ayon sa piloto, ang jetpack ay namataan sa kaliwang bahagi ng eroplano. Tinatayang nasa 275 meters ang distansya nito sa eroplano na lumilipad sa taas na 3,000 feet o 915 meters.

Ilang sandali lang ang lumipas ay isa pang piloto ng ibang airlines ang nakakita sa lalaking naka-jetpack. Aniya, “we just saw the guy passing by us in a jetpack.”

“Only in LA,” sambit ng traffic controller na halos hindi makapaniwala sa narinig mula sa mga piloto.

Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Federal Aviation Administration (FAA).

Imahe mula sa Business Traveler

“Two airline flight crews reported seeing what appeared to be someone in a jet pack as they were on their final approach to LAX around 6.35pm on Sunday,” sabi ni FAA spokesman Ian Gregor said.

Ayon sa FAA, nitong nakaraang dalawang taon ay dumami ang mga naiulat na namataang unmanned aircraft. Nakatatanggap umano ang ahensya ng 100 reports ng ganoong insidente kada buwan. At kung totoong tao ang nakitang naka-jetpack ay bawal daw ang ginawa nitong paglipad malapit sa mga eroplano.

Sabi ng mga awtoridad, posibleng bumagsak ang eroplano kung bumangga iyon sa taong naka-jetpack.

Imahe mula sa Wizard Technical

Loading…