Ted Failon tinawag na ‘spreader of fake news’ ni Jim Paredes

Mga imahe mula sa Facebook
  • Nagpaalam na si Ted Failon sa Kapamilya network makaraan ang tatlong dekada
  • Tinawag naman ni Jim Paredes na ‘spreader of fake news’ si Ted Failon
  • Kinontra ito ng isang netizen na nauwi sa sagutan nila ng singer-songwriter

Nagpaalam na si Ted Failon sa Kapamilya network na kaniyang naging tahanan sa loob ng mahigit tatlong dekada. Naging emosyonal ang batikang newscaster at radio journalist sa kaniyang huling pagsabak sa TV Patrol nitong Lunes ng gabi.

Pinasalamatan ng network si Ted sa kaniyang naiambag sa industriya dahil sa kaniyang talent at passion sa broadcasting at pagsisilbi sa mamamayang Pilipino.

“We thank Ted for his many years of dedication and service as a Kapamilya broadcast journalist. He will always be a Kapamilya. We wish him well on his journey,” anang network sa isang pahayag.

Imahe mula sa Facebook- DZMM Teleradyo

Nagbigay-pugay din ang mga naging kasamahan ni Ted kabilang na si Karen Davila.

Sa isang Twitter post, tinawag ni Karen na isang “icon sa industriya” si Ted na kaniyang nakasama sa TV Patrol mula 2004 hanggang 2010.

“Isa sa pinakamagaling at pinakamalalim magkomentaryo sa radyo. Saan ka man mapunta Ted, I am praying for your success. God be with you,” papuri ni Karen Davila sa kaniyang dating kasamahan.

‘Spreader of fake news’ ayon kay Jim Paredes

Subalit hindi naman sang-ayon dito ang singer-songwriter na si Jim Paredes.

Sa Twitter post ni Karen, nagkomento si Paredes: “He was a spreader of fake news. Sorry Karen. I disagree.”

Hinamon naman ng isang commenter si Paredes na magbigay ng isang pagkakakataon kung kailan nagpakalat ng fake news ang batikang newscaster.

Sagot ni Paredes, “He sided with Persida on the issue of dengvaxia. He did not speak out against the manufactured data on deaths her office was touting even when top doctors and experts were contradicting her.”

Imahe mula sa AsiaOne

“Because of that, he eroded the trust in vaccines and help spread polio, chicken pox, etc,” giit pa ng APO singer.

Kinontra naman agad ito ng netizen at sinabing, “Assuming it were true, siding and keeping silent are not spreading fake news.”

Balik ni Paredes, “He was not silent”. Muli itong sinagot ng netizen, “Him not speaking out (in your own words) doesn’t make him a spreader of fake news.”

Dito natapos ang sagutan ng dalawa dahil hindi na muling tumugon si Paredes.

Si Jim Paredes ay kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon at supporter ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Loading…