Third telco na DITO tiniyak na hindi magagamit ng China sa paniniktik sa Pilipinas

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Tiniyak ng DITO Telecommunity na hindi ito magagamit ng China sa paniniktik sa Pilipinas
  • Ang DITO ay isang Filipino company, giit ni DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano 
  • Sa ikapapanatag ng mga nangangamba, kinuha ng DITO ang serbisyo ng isang US company para sa cybersecurity operations center ng kumpanya

Tiniyak ng DITO Telecommunity, ang third telecommunications company sa bansa na naglalayong bigyan ng kompetisyon ang duopoly ng Smart at Globe para sa mas magandang internet service sa bansa, na hindi ito magagamit ng China sa pag-eespiya sa Pilipinas.

Imahe mula sa DITO telecommunity

Ang DITO Telecommunity ay joint venture sa pagitan ng Pinoy businessman na si Dennis Uy at ng China Telecom.

Ang pangamba na magagamit ng China ang DITO sa paniniktik ay bunsod ng pahayag ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana na pinayagan niya ang naturang kumpanya na magtayo ng cellular sites sa loob ng mga kampo militar sa bansa.

Sa isang online press conference, iginiit ni DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano na ang kumpanya ay kontrolado at pinangangasiwaan ng mga Pilipino. Hawak umano ni Dennis Uy ang 60% ng kumpanya at ang natitira ay nasa kamay ng mga dayuhan.

“There is no truth when people say DITO is a Chinese company,” ani Tamano.

Ipinunto ni Tamano na kung ang joint venture ay pumasa sa pagsisiyasat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense at ng National Security Adviser, dapat daw na magkaroon ng pagtitiwala na hindi magagamit ang Dito sa pag-eespiya.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

“As part of the management, I cannot imagine us saying, ‘We approve spying, we approve getting classified information. Makukulong kami d’yan,” giit niya.

At upang lalo pang mapanatag ang mga nangangamba, ipinahayag ni DITO Chief Technology Officer Rodolfo Santiago, isang retired AFP general, na kinuha nila ang serbisyo ng US company na Fortinet para sa cybersecurity operations center ng kumpanya.

“If you don’t trust Chinese equipment, maybe you trust U.S. cybersecurity solutions,” aniya.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

Loading…