Tito Sotto espesyal ang wedding anniversary gift kay Helen Gamboa: “Buy her a rose! This time 51”

Image by Tito Sotto via Instagram
  • Sen. Tito Sotto binigyan ng 51 jumbo red roses si Helen Gamboa sa kanilang ika-51 wedding anniversary
  • Humanga ang maraming netizens sa wagas na pag-iibigan ng dalawa
  • Binati rin ng kanyang mga kasamahan sa Senado si Senate President Sotto

Masasabing wagas ang pag-iibigan nina Sen. Tito Sotto at aktres na si Helen Gamboa; sa loob kasi ng nasa 51-taon nilang pagsasama ay napanatili nila ang pagmamahal sa isa’t-isa. Kaya naman espesyal ang regalong ibinigay ni Tito sa kanilang wedding anniversary noong September 23.

Image by Tito Sotto via Instagram

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinakita ng Senador ang larawan ng 51 jumbo red roses na siyang ibinigay niya kay Helen, sumisimbolo ito sa bawat taon ng kanilang pagmamahalan.

Kapsyon niya rito, “Buy her a rose! This time 51.”

Kiling-to-the-bones naman ang mga tagahanga ng dalawa at agad na nag-trending ang post. Komento ng isa, “Hanga ako sa couple na’to kasi bihira lang sa showbiz ang forever. Sana all. Nakalimutan ko, ‘la pa pala ako ka-forever.”

Sabi ng iba, “China oil. This is an old technique of showing love, but I promise you, this would be so sweet, as any gifts.”

Taong 1964 nang magkakilala sina Tito at Helen at doon umano nasabi ni Tito sa sarili na nais niyang gugulin ang kanyang buhay kasama si Helen. Nagpakasal sila noong 1969 pero ang pormal na ligawan ay naganap umano makaraan ang kanilang kasal.

“Nung magtanan kami nung 1969, tumalon siya sa bakod. Itinakbo ko siya sa Sto. Tomas, Batangas. Ikinasal kami sa pari dahil nawawala ‘yung piskal. Ibinalik ko siya nung hapon na, at ang laki ng problema namin pag-uwi,” anang Senador.

Image by Tito Sotto via Instagram

Nagpahayag din ng pagbati ang mga kasamahan ng Senate President sa Senado.

Ani Sen. Juan Miguel Zubiri, “All of us would like to greet you with a ‘Happy anniversary’ Sir, boss SP. Fifty-one years of marriage, Mabuhay po kayo.”

Image by Tito Sotto via Instagram

Loading…