Toni Gonzaga ipinagmalaki ang anak na si Seve na isa nang “Big Boy”

  • Itinampok ng singer-actress-host na si Toni Gonzaga ang kaniyang panganay na anak na si Seve o Severiano Elliott
  • Makikita sa Instagram post niya ang video ng anak na naglalaro ng mini-scooter sa kalsada sa kanilang lugar
  • Para kay Toni G, “big boy” na ang kaniyang anak

Kay bilis lumipas ng panahon. Para sa mga magulang, kahit na malalaki na ang mga anak, mananatili pa rin silang baby ng pamilya. Kagaya na lamang ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga matapos niyang itampok ang anak na si “Seve” na makikitang naglalaro sa kalsada gamit ang mini-scooter.

Makikita sa Instagram post ni Toni ang anak na si Seve habang nakasuot ng safety gear at face mask ang anak, na nakasakay sa mini-scooter at naglalaro sa kalsada sa kanilang lugar. Ayon sa caption ng post, “Big Boy na raw si Seve, na unico hijo nila ng mister na si Paul Soriano, isang magaling na direktor. Naghatid naman ito ng good vibes sa mga netizens.

Imahe mula sa Instagram account ni Toni Gonzaga

“Wow, ang cute naman ni Seve! Parang kailan lang ang liit pa niya, ngayon big boy na. Sundan na iyan! Gusto na raw magkaroon ng sister,” sabi ng isa.

Turan nama ng isa, “Kamukhang-kamukha ni Direk Paul. Cute niya!”

Samantala, may paalala naman ang isang netizen.

“Cutie boy!! Pero sana hindi mo pinaglalaro sa labas ang anak mo dahil nasa quarantine pa tayo kahit pa may bantay at naka-face mask pa.”

Noong Pebrero 1, 2015, inihayag ni Toni ang engagement nila ni Direk Paul, na nakarelasyon niya sa loob ng walong taon. Ikinasal naman sila noong Hunyo 12, 2015, 3:00 ng hapon, sa United Methodist Church sa Taytay, Rizal kung saan ang kaniyang tatay ay isang pastor.

Public Domain Image

Noong 2016 naman, isinilang niya ang kanilang first-born o panganay na anak na si Severiano Elliott o mas kilala bilang “Seve,” na naging inspirasyon naman ni Alex Gonzaga, ang kapatid ni Toni para sa novelty song na “Chambe.”

Loading…