Trese-anyos na anak ni Kris Aquino na si Bimby 6-footer na

Imahe mula sa Instagram / YouTube account ni Kris Aquino
  • Six-footer na ang trese-anyos na bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby
  • May kinalaman daw ang DNA sa pagiging matangkad ni Bimby at ang palagiang pag-inom ng gatas
  • Sa December ay susukatin ulit ni Kris si Bimby para malaman kung magiging kasing tangkad na siya ni Kuya Josh na 6’2″ ang height

Sa murang edad na trese anyos ay matangkad na ang bunsong anak ni Kris Aquino na si James Carlos Aquino Yap, Jr o mas kilala bilang Bimby.

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Ibinahagi ni Kris ang litrato ng dalawa niyang anak – si Bimby at ang panganay na si Josh – na magkatalikuran. Makikitang halos magkasingtaas na ang magkapatid.

“Kuya Josh spent more than a month in Tarlac. I asked to see how close the two are in terms of their height. Let’s check again in December if Bimb will already be as tall as his kuya,” post ni Kris sa Instagram noong Huwebes, September 10.

Aniya, kung pagbabatayan ang litrato, masasabing 6-footer na si Bimby dahil ang kuya Josh niya ay 6’2 ang height.

“Kuya is 6’2, basing it from this picture it’s safe to say 13-year-old Bimb is now a 6 footer,” paliwanag ni Kris.

Malaking factor daw sa pagiging matangkad ni Bimby ang DNA. Ang ama niya ay si James Yap ng Rain or Shine Elasto painters team sa Philippine Basketbal Association. Ang listed height ni James ay 1.91 meters o halos 6’3”.

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino

Bukod sa DNA, nakatulong umano sa pagtangkad ng bunso niya ang palagiang pag-inom ng fresh milk tuwing umaga. Sa mga naunang panayam, binanggit ni Kris noon na nakatulong din sa pagpapatangkad ng anak ang maagang pagtulog.

“Sagutin ko na in advance- yes, DNA is a big factor- but up to now Bimb starts his day with a big glass of fresh milk with milo, no longer something we endorse but kinalakihan ni Bimb,” aniya.

Sabi ni Kris, pamilya sila ng mga milk drinkers.

Sa December ay susukatin daw niya ulit ang height ng magkapatid upang malaman kung magiging magkasing-taas na sila.

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

UPDATE: Sa pinakalatest niyang IG post, aniya sa caption: “Hello? i’ve missed you… (i didn’t shrink- my bunso just keeps growing taller. ”  Siya namang tunay! Ang bilis ng pagtangkad ni Bimby!

Imahe mula sa Instagram

Loading…