Tsismisan, mas malalang salot kaysa COVID-19 – Pope Francis

Screenshot mula sa video ng Vatican News
  • Lumihis sa prepared speech niya si Pope Francis noong Linggo upang pakiusapan ang lahat na iwasan ang tsismisan
  • Sinabi niya na mas malalang salot pa ang tsismis kaysa COVID-19
  • Itinuro umano ni Hesus na dapat pa ring tanggapin ang mga taong nagkamali o nagkasala

Hinikayat ni Pope Francis ang mga mananampalatayang Katoliko na iwasan ang pagtsitsismisan na, aniya, ay isang salot na mas malala pa kaysa sa COVID-19.

Screenshot mula sa video ng Vatican News

“Please, brothers and sisters, let’s make an effort not to gossip,” anang santo papa sa kanyang weekly address sa mga pilgrims na nagtipon-tipon sa St. Peter’s Square noong Linggo, September 6, para sa Angelus.

Ang diablo raw ang pinakatsismoso sa lahat na palaging nagsasabi ng kasinungalingan sa layuning pagwatak-watakin ang Simbahang Katolika.

“The devil is the great gossip. He is always saying bad things about others because he is the liar who tries to split the church,” aniya.

Umapela ang santo papa na tanggapin ang mga taong tumatanggi na itama ang kanilang mga pagkakamali at huwag silang itsismis sakaling mabigo ang mga hakbang na baguhin sila.

Sinabi niya na ayon kay Hesukristo, may “three-phase approach” upang maitama ang taong nagkamali o nagkasala.

Screenshot mula sa video ng Vatican News

Sa unang hakbang, hindi tama na isinasapubliko ang pagkakasala o pagkakamaling nagawa ng isang tao. Dapat raw sabihin ito nang kayong dalawa lang at walang ibang nakaririnig.

Kung sakaling bigo ang unang hakbang, dapat daw na humingi ng tulong sa ibang kapatid sa pananampalataya.

“Jesus says: ‘If he does not listen, take one or two others along with you, that every word may be confirmed by the evidence of two or three witnesses,’” sabi ng santo papa.

Ngunit sinabi rin umano ni Hesus na posibleng mabigo rin ang ikalawang hakbang na ito kaya kailangan na ang involvement ng buong komunidad o ng buong Simbahan.

Screenshot mula sa video ng Vatican News

Kahit hindi magtagumpay ang “three-phase approach” ay dapat pa ring tanggapin ang nagkasala at ipasa-Diyos na lang ito, ayon kay Pope Francis.

“Only the Father will be able to show greater love than that of all brothers and sisters put together,” pagtatapos ng mensahe niya.

Loading…