TV Patrol, Ang Probinsyano mapapanood na sa Channel 11 bilang blocktimer?

Image by ZOE TV via Facebook | Ang Probinsyano via Instagram | TV Patrol via Facebook
  • Ilang Kapamilya shows, mapapanood na nga ba sa ZOE TV Channel 11 simula September 28?
  • TV Patrol at Ang Probinsyano, kabilang sa mga diumano’y mauunang maieere sa ZOE TV
  • Nagkaroon din ng blocktime deal ang GMA Network at ZOE TV noong 2005 hanggang 2019

Mukhang muling masusubaybayan ng mga Kapamilya ang mga programang TV Patrol at Ang Probinsyano sakaling matuloy ang naiuulat ngayong blocktime agreement sa pagitan ng ABS-CBN at ZOE TV ni Bro. Eddie Villanueva.

Image by ZOE TV via Facebook

Pagbabahagi ng Bilyonaryo, isang “babbler” (masalitang tao) ang nagsabi sa kanila na pumayag na si Villanueva para magpalabas ang ABS-CBN ng isang news program at ilang entertainment programs sa kanyang istasyon.

Nasabi pa na tinanggihan ng religious leader ang mga naunang blocktime offer ng ABS-CBN noong Mayo at Hulyo pero ngayong diumano’y pumayag na ito ay umaasa umano ang mga Lopez na makababawi na sila sa kanilang lugi simula noong nawala sila sa ere.

Pag-aari ng El Shaddai na pinamumunuan ni Bro. Mike Velarde ang Channel 11 hanggang sa mabili ito ni Jesus Is Lord leader Eddie Villanueva noong 1998. Nagkaroon din ng blocktime agreement ang GMA Network at ZOE TV mula 2005 hanggang 2019 para sa GMA News TV.

Nauna nang nabanggit sa PEP na sa September 28 ang naririnig nilang tentative launching ng pag-ere ng mga ABS-CBN shows sa ZOE, at naririnig din nila ang pag-ere ng It’s Showtime at ASAP Nation ‘To sa istasyon.

Wala pang pahayag ang ZOE TV kaugnay sa kanilang napagkasunduan.

Image by ZOE TV via Facebook

Maliban dito, inilunsad din ng ABS-CBN kamakailan ang iWant TFC app o pagsasama ng iWant at TFC online at ginawa nang accessible worldwide ang kanilang mga programa.

House committee tuluyan nang ibinasura ang bagong prangkisa ng ABS-CBN

Matatandaang tuluyan nang ibinasura ng House Legislative Franchise Committee ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa noong Hulyo.

Naganap ito makaraang maglabas ang technical working group ng rekomendasyon para tanggihan ang pag-renew sa prangkisa na siyang sinundan ng botong 70-11 pabor sa rekomendasyon ng TWG.

Imahe mula sa YouTube | ANC

Loading…