Unang Lotto jackpot winner sa panahon ng pandemya nanalo ng mahigit P49-M

Screenshot mula sa YT video
  • Napanalunan na ang mahigit P49-M na jackpot prize ng Regular Lotto 6/42
  • Ito ang kauna-unahang panalo sa lotto ngayong pandemya makalipas ang limang buwan
  • Isang masuwerteng bettor mula sa La Union ang mag-uuwi ng jackpot prize, ayon sa PCSO

Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao yata ay nangangailangan ng pera bunsod ng kawalan ng kita at hirap ng buhay dahil sa umiiral na pandemya.

Kaya nang bumalik ang operasyon ng lotto noong nakaraang buwan, maraming Pilipino ang muling tumaya at nagbakasakali na dapuan ng suwerte.

Imahe mula sa iFranchise Philippines

Halos isang buwan na  nang muling magbukas ang mga lotto outlet sa ibang bahagi ng bansa noong Agosto 7, napanalunan ng isang masuwerteng bettor ang 6/42 jackpot na nagkakahalaga ng mahigit P49 milyon.

Ang huling 6/42 Regular Lotto ay binola noong Huwebes, Setyembre 3 at lumabas ang kumbinasyon na 03-11-06-19-33-10.

Ayon sa Philipiine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, isang masuwerteng mananaya mula sa San Fernando, La Union ang nakakuha ng 6 na tamang numero para tamaan ang P49,707,326.80.

Maliban dito, 32 bettors pa ang mag-uuwi ng P24,000 bawat isa matapos namang makuha ang lima sa anim na lumabas na numero.

Imahe mula sa PCSO

Ang lotto ay huling nagkaroon ng bola noong Marso 17, dalawang araw matapos ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila.

Samantala, ang 6/42 jackpot ay huling napanalunan noong Pebrero kung kailan isang mananaya mula sa Tagum City, Davao del Norte ang nag-uwi ng P36.6-M.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring lumalaki ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at umabot na ito ng mahigit P334-M. Ang Mega Lotto 6/45 ay mayroong P22-M premyo; Super Lotto 6/49 ay P50-M; at Grand Lotto 6/55 ay P95-M.

Loading…