US Embassy pinagpapaliwanag kung bakit nag-disguise ang isang USAF plane bilang PH aircraft

Imahe mula sa Aviation Report
  • Hinihintay na ng Defense department ang paliwanag ng US Embassy tungkol sa naging akusasyon ng China
  • Nagpanggap umanong eroplano ng Pilipinas ang isang USAF aircraft habang nasa Yellow Sea
  • Naniniwala naman ang China na hindi ito ang unang pagkakataong ginawa ng USAF ang pag-disguise

Hinihintay ngayon ng Department of National Defense (DND) ang paliwanag ng US Embassy tungkol sa akusasyon ng China na nagpanggap umano ang isang eroplano ng US Air Force bilang Philippine aircraft habang lumilipad sa Yellow Sea noong nakaraang linggo.

Magugunitang iniulat ng South China Morning Post kamakailan na nadiskubre ng South China Sea Strategic Situation Probing Initiative (SCSPI)  na ang RC-135S reconnaissance aircraft ng USAF ay gumamit ng hex code ng Pilipinas habang nasa ibabaw ng Yellow Sea.

Sec. Lorenzana| Imahe mula sa PTV-4

Bumalik lamang daw ito sa kanilang orihinal na hex code matapos makumpleto ang mission.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hinihintay nila ang paliwanag ng US Embassy tungkol dito. Kinumkupirma pa umano kung ano ang totoong nangyari sa nasabing insidente.

“They are checking and will furnish us the result,” ani Lorenzana sa isang text message sa mga mamamahayag.

Screenshot mula sa Twitter

“Let’s get the facts before we make conclusions. Personally, I can’t think of any reason why the US would do it,” dagdag pa ng opisyal.

Naniniwala naman ang China na hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ng USAF ang pagpapanggap habang nasa mission sa ibabaw ng himpapawid ng kanilang teritoryo.

“Analysts said the incident suggested America was stepping up its surveillance of China and its tactics could stoke tensions between the two sides,” wika ng Chinese foreign ministry.

Screenshot mula sa Twitter

Ginawa na rin daw ito noon ng USAF matapos gumamit ng Malaysian hex code ang RC-135s ng America habang lumilipad malapit sa Chinese airspace.

Ang hex code ay ina-assign ng International Civil Aviation Organization sa bawat sasakyang panghimpapawid upang sila ay mabilis na ma-identify.

Loading…