US President Trump iminungkahi sa United Nations ang pagpapanagot sa China dahil sa COVID-19

  • Kailangang managot ang China
  • Iyan ang mungkahi ni US President Donald Trump sa United Nations
  • Ito ay dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo

Iminungkahi ni United States President Donald Trump sa United Nations na panagutin ang bansang China dahil sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 sa buong mundo, kaya nagkaroon ng pandemya na lubusang nakaapekto sa ekonomiya ng halos lahat ng bansa sa buong daigdig.

Sa kaniyang talumpati sa ginanap na Virtual General Assembly noong Martes, Setyembre 22, 2020, ipinahayag ni Trump ang kaniyang talumpati sa full election campaign mode, at tinawag pang “China virus” ang COVID-19.

Public Domain Image

“We must hold accountable the nations which unleashed this plague onto the world — China. Those who attack America’s exceptional environmental record while ignoring China’s rampant pollution are not interested in the environment. They only want to punish America. And I will not stand for it,” ayon kay Trump.

Dagdag pa niya “The Chinese government, and the World Health Organization— which is virtually controlled by China — falsely declared that there was no evidence of human-to-human transmission,” pagdidiin pa ng pangulo ng America. Matatandaang sinabi ni Trump na kakalas na ang America sa WHO.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“They must be sanctioned. It was China’s failure to report early to WHO. They tried to cover it all up giving the virus ample time to spread,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Daming Pilipino nawalan ng trabaho at nawalan ng kapamilya, 6 months na tayong parang mga inalisan ng kalayaan. Dapat lang silang panagutin.”

“They should be held accountable after the virus has spread around the world, countries economy have suffered too much,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, ipinangako naman ng kaniyang kalaban sa darating na halalan sa Nobyembre 3 na si Joe Biden na hindi kakalas ang USA sa WHO kapag siya ay nanalo.

Loading…