Veteran life coach sa mga single: “Learn to love and accept yourselves”

  • “Mahalin ang sarili bago magmahal ng iba”
  • Iyan ang payo ng isang life coach sa mga single people
  • Kaugnay iyan ng “National Singles Day” noong Setyembre 22, 2020

May payo ang isang life coach na nagngangalang “Ranielle Mendoza” sa lahat ng mga single people na bago muna sila magmahal ng iba ay mahalin muna nila ang mga sarili nila.

Sa tinatawag na “National Singles Day” noong Setyembre 22, 2020, itinampok ng journalist na si Rex Remitio ng CNN Philippines sa kaniyang Facebook post ang payo ni Mendoza sa lahat ng mga single, kahit na cliche man itong maituturing, ang pagmamahal pa rin sa sarili ang kailangang gawin upang maihanda ang sarili sa pagdating ng tamang pakikipagrelasyon.

Public Domain Image

“One of the best things that single people can do for themselves to prepare for a loving relationship, as cliche as it may sound, is to learn how to love, accept, and surrender to who they are,” ayon kay Mendoza.

“Marami tayong nakikitang relationships na nage-end na maraming away, maraming takot, and sometimes, if not most of the time, it is because we were driven to find a relationship to fill that void or some emptiness or loneliness in us. It is important that we realize that it’s not how it’s supposed to be.”

Kailangan daw munang tanggapin ang mga pansariling katangian, kalakasan, at maging mga kahinaan upang tanggapin din ito ng ibang tao.

“On our own, we are whole, happy, and complete. We have to realize that a relationship will just be an additional bonus for us to see the beauty and colors of life which will make us more prepared to be in a relationship.
If you’re single right now, the best thing to do really is to learn to love yourself, accept your flaws, and appreciate your own beauty and greatness.”

Public Domain Image

Maging komportable raw mag-isa at maging komportable sa sarili. Kapag minahal at tanggap mo ang sarili mo, hindi ka na raw makatatanggap ng takot na maiwanan o mapag-isa, lalo na kung natuklasan mong niloloko ka ng iyong napiling karelasyon. Hindi na raw darating sa puntong lagi kang nagche-check ng social media status ng boyfriend o girlfriend mo dahil insecure ka.

“One of the best things that a single person can do is to enjoy life, to enjoy who you are, and to appreciate yourself. Part of being prepared in a loving relationship is to grow as a person. Single people must really go out of their comfort zone, know more about themselves because that’s a key for growth.”

“Maturity comes with opening oneself up to different experiences and you will know more about yourself ‘di ba? Your fears, weaknesses, strengths, insecurities and what not. And having that awareness will be very useful when the time comes na may partner ka na,” paalala niya.

Loading…