Vico Sotto nagpakitang-gilas sa paglalaro ng “quiet” basketball

Image capture from video by Vico Sotto via TikTok
  • Ipinakita ni Mayor Vico Sotto ang kanyang basketball moves nang hindi gumagawa ng ingay
  • Aniya, natutulog na kasi sa mga pagkakataong iyon ang kanyang mama
  • Balak niyang magsagawa ng inter-barangay basketball tournament kapag wala na ang COVID-19

Maliban sa pagiging aktibong alkalde ng Pasig City at palaging laman ng mga balita dahil sa kanyang magagandang inisyatibo, hindi nakaliligtaan ni Mayor Vico Sotto ang libangin ang sarili mula sa pagtatrabaho bilang public servant.

Image capture from video by Vico Sotto via TikTok

Kamakailan lamang, ipinakita ni Mayor Vico ang kanyang husay sa paglalaro ng basketbol sa kanyang TikTok account pero kailangan niyang gawin nang tahimik ang pagdi-dribble yamang natutulog na sa pagkakataong iyon ang kanyang mama, ang pamosong aktres na si Coney Reyes.

Nakasaad sa text ng video clip na ini-upload niya ang “bawal mag dribble baka magising si mama” kasama ang smiling face with open mouth and cold sweat emoji. Kaya’t ipinakita niya ang kanyang moves nang hindi bumabagsak sa sahig ang bola at hindi gumagawa ng ingay.

Saad pa ni Vico, “Before shower and sleep routine hehe. ‘Pag wala nang covid magpapa-interbarangay tayo. #sananextyear.”

Masugid na tagasuporta ng basketbol ang alkalde partikular ang Philippine Basketball Association (PBA) sports team na Ginebra San Miguel. Minsan na rin siyang namataang nakasuot ng damit na nagpapakita ng suporta sa basketball team.

Mga ipinagawang solar street lamps ipinagmalaki ni Mayor Vico

Samantala, ipinagmalaki ng alkalde ang mga ipinagawang solar street lamps ng kanyang administrasyon na siya na ngayong nagsisilbing tanglaw sa dating madilim na kahabaan ng isang creek sa lungsod.

Screenshot mula sa Facebook Live ni Mayor Vico Sotto

“Maliwanag na ulit ang kahabaan ng Parian Creek! Nasindihan na ang bagong SOLAR STREET LAMPS mula sa tapat ng Plaza Bonifacio hanggang Pinagbuhatan.

“Ongoing ang street lighting ng ating Engineering Dept. sa buong lungsod. Target nating maging maliwanag na ang mga pinakamatataong lugar bago mag-Pasko,” ayon sa alkalde.

Image by Vico Sotto via Facebook

Loading…