[VIDEO] Asong tinatabunan ang walang buhay na anak, kinaantigan

Imahe mula sa Facebook | Lenny Rose Ellema
  • Kumurot sa pus0 ng netizens ang video ng isang aso na makikitang inililibing ang sariling anak
  • Kuwento ng uploader nito, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng kaniyang aso
  • Ipinaliwanag naman ng isang animal behavior consultant ang maaaring sanhi nito

Naantig ang netizens sa video ng isang aso na makikitang inililibing ang kaniyang sariling anak.

Imahe mula sa Facebook | Lenny Rose Ellema

Kuwento ni Lenny Rose Ellema sa Facebook group na Dog Lovers Philippines, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng kaniyang asong si Bettie. “Sa tuwing mamamatayan siya ng anak, siya mismo naglilibing. Kawawa naman baby ko,” ani Lenny sa caption.

Sabi niya pa sa isang panayam sa Philippine Star, tinutulungan siyang maghukay ni Bettie saka nito tatabunan ng lupa ang kaniyang anak.

Isang netizen din ang nagtanong kung ang tatlong taong gulang na Aspin na si Bettie rin ba mismo ang naglagay sa kaniyang anak sa hukay. “Opo. Ganiyan po siya kapag namamatayan. Tapos hindi niya na po iiwan. Ang sakit pong makita kapag ganiyan ang alaga mo. Mararamdaman mo rin ang sakit,” tugon ni Lenny.

Imahe mula sa Facebook | Lenny Rose Ellema

Ang ilang netizens, nagkuwento rin ng kanilang karanasan. “Ganiyan din mama dog ko. Nakalulungkot sa part ng Nanay na ikaw mismo maglilibing sa anak mo,” sabi ni Sarah L.

“May isip at pus0 talaga ang mga aso. Hindi nga lang sila nakapagsasalita. Minsan nga, mas responsable pa sila kaysa mga tao,” dagdag naman ni D. Jacinto.

Paliwanag naman ng animal behavior consultant na si Peter Borchelt sa isang panayam sa Intelligencer, hindi pareho ang behavior systems ng mga tao at hayop kaya maaaring hindi ito isang senyales ng pagluluksa.

“I suspect it was more likely just catching dead meat, rather than a soulful response to the demise of the puppy it wanted to bury,” ani Borchelt.

Ngunit hindi naman daw ibig sabihin nitong balak ng ina na kainin ang anak. “I wouldn’t want to go far as to say that the dog is saving the puppy to eat for later, because that might not be the issue — it might not have the need. But it’s still a piece of this instinctive thing. Here’s meat, here’s a bone — I’ll bury it.”

Panoorin dito ang video:

Loading…