Vlogger na si Mimiyuuuh, nakamit na ang dream house

Imahe mula sa Instagram | Mimiyuuuh
  • Ramdam na ramdam ni Mimiyuuuh ang ‘adulting’ dahil sa pagiging abala sa pag-aasikaso ng dream house ng kaniyang pamilya
  • Kuwento ng vlogger, siya ang nag-aasikaso ng mga papeles para sa kanilang tahanan
  • Hands-on din siya pagdating sa pagdidisenyo ng kaniyang kuwarto kaya naman excited na rin siyang mag-house tour at ipakita sa kaniyang followers ang bagong tahanan

Kilala ang vlogger na si Mimiyuuuh sa kaniyang signature background na pink na drawer at patong-patong na mga unan. Ngunit tila malapit na itong mapalitan dahil abot-kamay na niya ang dream house ng kaniyang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Mimiyuuuh

Kuwento ng YouTuber sa isang panayam sa Pep, excited na siyang gumawa ng bagong memories sa bago nilang bahay.

“Super surreal po kasi ‘yon po talaga ‘yong dream ko for my family, to have our home na matatawag ko po talagang amin. So ayun po, super excited po ako to make new memories sa bahay namin.”

Hunyo nang ibahagi ni Mimiyuuuh ang vlog kung saan naghahanap sila ng malilipatang bahay. Ngunit kuwento niya, sa ikalawang pag-iikot nila nakita ang kanilang dream house.

“Sobrang aliwalas. Homey siya at the same time, ‘di ba gusto ng nanay ko may taniman? Ito napakalaki ng aming backyard,” sabi niya. “Ito yung bahay na hindi siya ganoon kalaki pero maluwag po siya talaga.”

Imahe mula sa Instagram | Mimiyuuuh

Ramdam na ramdam din ng influencer ang pagiging isang adult dahil siya ang nag-aasikaso ng mga papeles para sa kanilang loan.

“Nag-down na po kami and all and in process na ang loaning. Alam ninyo, napakarami palang kailangan ng mga loaning na iyan. Nakaka-adult po kapag kayo ang naglalakad. Ang parents ko, wala po silang kaalam-alam sa loaning na ganiyan kaya ako po talaga ang nag-asikaso ng lahat.”

Hands-on din si Mimiyuuuh pagdating sa interior ng kaniyang kuwarto dahil nakapaghanap na raw siya ng peg mula sa Pinterest.

“Super, super I can’t wait i-vlog ang aming pa-house tour ni mayor sa kaniyang bagong bahay. Yehey! Your girl is a villager na talaga,” biro niya.

Source :

YouTube, Pep

Loading…