VP Leni hindi pa rin ipagpapalit si Jesse Robredo

  • “Best husband”
  • Iyan ang paglalarawan ni VP Leni sa namayapang asawang si Jesse Robredo
  • Hindi na raw niya nakikita ang sarili na nasa piling ng ibang lalaki

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na masyado siyang abala upang makipag-date o humanap pa ng bagong mapapangasawa, ayon sa panayam sa kaniya ng programang “Basta Batas” sa social media nitong Biyernes, Setyembre 25, 2020.

“Hindi ko ma-imagine (ang sarili ko) to be with somebody else,” tugon ni VP Leni sa tanong na kung posible ba siyang magkaroon ulit ng love life. Matatandaang yumao ang kanyang kabiyak na si G. Jesse Robredo sa isang plane crash noong 2012. Si Jesse Robredo ang isa sa mga dating kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Public Domain Image

Dagdag pa niya, napakapalad daw niya dahil biniyayaan siya ng Diyos ng “best husband” at hindi na niya nakikita ang sarili niya sa piling ng iba.

“But for me, I’ve said this repeatedly, I have been blessed with the best husband and I feel that I would never have the same luck again,” aniya.

Marami raw siyang ginagawa at talagang busy kaya wala na siyang panahon para sa pakikipag-date.

“Sa dami ng trabaho ko, may panahon pa ba ako mag-date?” aniya.

Isa pa sa mga maituturing na blessing para kay VP Leni ang pagkakaroon ng tatlong magaganda, mababait, at matatalinong supling na sina Aika, Tricia, at Jillian.

“I feel like all the blessings were already given to me–especially for having a wonderful and kind husband. “I’ve had enough love to last me a lifetime.”

Sa panahon ng pagiging biyuda ni VP Leni, marami-rami ring mga personalidad ang naiugnay sa kaniya subalit itinanggi niya ang mga ito at sinabing pawang espekulasyon lamang ang lahat.

Public Domain Image

Sa ngayon daw ay abala ang Office of the Vice President sa pamamahagi ng tulong sa mga frontliners at mga mamamayang naapektuhan ng lockdown, dulot na rin ng pandemya.

Loading…