VP Leni ipinakita ang matrix ng mga bansang lumalaban sa COVID-19; Pilipinas ika-66

  • Kaya raw nating mapuksa ang COVID-19
  • Iyan ang pahayag ni VP Leni matapos ipakita ang isang matrix
  • Pang-66 ang Pilipinas sa 91 bansang mahusay na sumasagupa sa pandemya

Ipinakita ni Vice President Leni Robredo ang isang matrix o table na nagpapakita ng 91 bansang lumalaban sa COVID-19 at nasa ika-66 ang Pilipinas.

“This table is an assessment of how 91 countries are performing as far as suppression of the COVID-19 is concerned,” panimula ng Facebook post ni VP Leni.

Imahe mula sa Facebook page ng OVP

Apat na panukatan o measurement daw ang ginamit. Ito ay ang insidente o bilang mga bago at kompirmadong kaso sa bawat milyong populasyon kada araw, mortality rate, bilang ng COVID-19 tests na isinagawa noong Agosto, at
average effective reproduction rate na tutukoy kung ang transmission ay rising o falling.

“The Philippines is ranked 66 of the 91 countries. 19 countries (in dark blue) are considered to have effectively suppressed the transmission already. 10 of the 19 countries are in the Asia Pacific Region. This study was done using August data. Our September numbers are getting better compared to our August numbers,” ani VP Leni.

“But, perhaps, it would even be better if we set weekly or monthly targets. Para naman yung assessment natin would depend on how near we are to our targets and we make sure that all our efforts are focused on achieving those targets.”

“This was a study published by LANCET Covid 19 Commission last September 14. The Commission was launched in July 2020 to help governments respond better to the COVID- 19 pandemic.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“This only shows vaccine is not the priority, it’s the proper planning and implementation of other medical and non-medical procedures plus proper discipline of citizens,” sabi ng isa.

Wika naman ng isa, “Congo, Kenya, Ghana were able to suppress the virus despite limited resources. Hope the Philippines can rise above the situation and put in more preventive measures. If these countries can do it, so should we!”

Ayon pa kay VP Leni, posible pa ring masawata o mapuksa ang virus kahit wala pang bakuna.  Kung kaya raw ng 19 bansa, kaya rin daw natin.

Source :

Facebook

Loading…