Walang sapat na ebidensiya na sangkot si Duque sa katiwalian sa PhilHealth – Gordon

Mga imahe mula sa Facebook
  • Naniniwala si Gordon na walang sapat na ebidensiya para isangkot sa katiwalian si Duque
  • Maaaring minana lamang umano ng kalihim ang nangyayaring anomalya sa PhilHealth
  • Handa naman si Duque na harapin ang anumang reklamong isasampa laban sa kanila

May ‘reservations’ si Senador Richard Gordon sa inilabas na report ng Senate Committee of the Whole kung saan inirerekomenda rito ang pagsasampa ng reklamo laban kina resigned PhilHealth chief Ricardo Morales at Health Secretary Francisco Duque.

Naniniwala kasi si Gordon na maaaring wala namang kinalaman si Duque sa katiwalian sa ahensiya partikular na sa pondo ng interim interim reimbursement mechanism (IRM).

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Gordon

“I always want to be fair. It’s not popular to be seen as supporting Duque… he was never there. He did not participate , he was absent,” ani Gordon na ang tinutukoy ay pagrelease ng IRM sa mga ospital.

Ayon pa sa senador, kung sakali mang sampahan ng kaso ang kalihim ng DOH, kailangang makakuha ng sapat na ebidensiya para suportahan ito.

“In my view, whenever I make accusations, I make sure that I have a piece of paper that supports it,” wika ng senador.

Ipinagtanggol din ng mambabatas si Duque dahil talamak na noon pa man umano ang kurapsyon sa PhilHealth at ito ay namana lamang ng DOH secretary.

Screenshot mula sa PCOO video

“The man is totally besieged. He inherited a DOH that is actually a snake pit… There are certain people within PhilHealth that really favored certain hospitals,” paliwanag ng senador.

Inirekomenda ng Senate report na sampahan sina Duque at Morales ng kasong graft at malversation dahil diumano sa kurapsyon at mismanagement sa loob ng state insurer.

Samantala, kapwa nagpahayag naman ng kahandaan sina Morales at Duque na harapin ang anumang kaso na isasampa laban sa kanila. Giit ng dalawa, inosente umano sila at walang kinalaman sa mga ibinibintang sa kanila.

Loading…