We have a foundation: Alex Gonzaga sinagot ang netizen na nagpayong tumulong siya sa mahihirap

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga
  • Pinayuhan ng isang netizen si Alex Gonzaga na gumawa rin ng content na nagpapakita ng pagtulong niya sa mga nangangailangan
  • Ito ay matapos na sumakabilang-buhay ang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena
  • Pagtatapat ni Alex, may mga sinusuportahan silang estudyante ngunit hindi nila ito ipinopost sa social media

Sinagot ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang isang netizen na nagpayo sa kaniyang tumulong sa mga nangangailangan kagaya ng pumanaw na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga

Marami ang hanga kay Lloyd dahil bukod sa nakatatawang mga content ay madalas din siyang tumulong sa kaniyang mga kapitbahay sa squatter’s area. Sa isa sa mga huling vlog ni Lloyd ay namigay pa sila ng tablet upang makatulong sa online classes ng mga estudyante.

“Hope you don’t mind. How I wish you’d do what the late vlogger Lloyd Cafe Cadena was doing. Imagine spending so much for school supplies of school children and giving stuff to squatters,” sabi ng Instagram user na si Victoria C.

“‘Yong may katuturan naman ang kinikita ninyo na mula rin sa tao. ‘Yong para kang may legacy. People like to watch your vlogs. Give back also to them.”

Sagot ni Alex, ginagawa niya naman ito ngunit hindi niya ito inirerecord o ipinopost sa social media. Sa katunayan ay may foundation daw sila.

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga

“We have scholars we are supporting until college, As much as we wanted to show it, bawal po kasi ipakita ang mukha ng mga bata. We help to bring back the glory of God. Thank you po for your suggestion,” paliwanag ni Alex.

Ipinagtanggol naman ng kaniyang mga taga-hanga si Alex at sinabing hindi na kailangang ipagsigawan ang pagtulong sa kapwa.

“Hindi lahat ng kabutihan o pagtulong sa ibang tao ay kailangan nating makita sa media. Sadyang may mga tao talaga na tumutulong nang pribado lang. Just mind our own business na lang para peaceful ang life,” sabi ni Nicole D.

Isa si Alex sa mga vlogger na nagpaabot ng pakikidalamhati sa pamilya ni Lloyd.

“Saglit lang tayong nagsama para sa collab natin pero I witnessed how your mere presence can lighten and bring joy sa mga nakapaligid sa’yo. Marami kaming napasaya mo at hindi kami makalilimot,” ani Alex.

Source :

Instagram

Loading…