Welcome to parenthood! Dianne Medina, Rodjun Cruz tinawag na “answered prayer” ang kanilang unang supling

  • Nagsilang na si Dianne Medina, ang maybahay ni Rodjun Cruz
  • Pinangalan ng celebrity couple ang kanilang unang supling na Rodolfo Joaquin Diego III

Isinilang na ng actress-host na si Dianne Medina ang firstborn baby nila ng mister na si Rodjun Cruz noong Setyembre 10, 2020, na naihayag sa publiko sa pamamagitan ng kanilang mga Instagram posts nitong Setyembre 11, 2020.

Para sa inang si Dianne, maituturing na “answered prayer” ang pagdating ni Baby Rodolfo Joaquin Diego III sa kanilang buhay may-asawa ni Rodjun. lto ay ipinahayag niya sa kaniyang Instagram post matapos maluwalhating maisilang ang kanilang sanggol.

Imahe mula sa Instagram account ni Dianne Medina

“My answered prayer… my Baby Rodolfo Joaquin Diego III. Thank you my Almighty Father. September 10, 2020 1:55 AM. please follow our baby,” caption ni Dianne sa kaniyang Instagram post kalakip ang mga kuhang larawan ng kanilang bagong silang na supling.

Sa kaniyang Instagram post, masayang-masaya naman ang amang si Rodjun, na nangakong habambuhay nilang gagabayan ang kanilang anak hanggang sa pagtanda nito.

“Welcome to the World, Rodolfo Joaquin Diego III. I Love you so much my son @babyjoaquinilustre! I will hold your hands forever and guide you every step of the way! #AnsweredPrayer Thank you Lord! #BabyJoaquinILustre,” ayon sa caption ng IG post ni Rodjun.

Sa isa pang hiwalay na Instagram post, gumawa pa ng tugmaan si Rodjun na nasa wikang Filipino habang binabantayan at karga niya ang anak.

“Habang ika’y tulog ako’y gising nakabantay sa ‘yo. Mahal na mahal kita anak ko,” aniya.

Imahe mula sa Instagram account ni Rodjun Cruz

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz gaya nina Alex Gonzaga, Maja Salvador, Bela Padilla, Denise Laurel, Aaron Villafolor, Paolo Ballesteros, Enchong Dee, Ahron Villena, Melissa Ricks, at Rufa Mae Quinto.

Nariyan din sina Janine Gutierrez, Jessy Mendiola, Carla Abellana, Mark Herras, at ang kapatid ni Rodjun na si Rayver Cruz.

Noong Oktubre 2017 naganap ang engagement nina Dianne at Rodjun Cruz at tuluyan silang lumagay sa tahimik noong Disyembre 21, 2019.

Samantala, kamakailan lamang ay nagsilang na rin ng baby boy si Coleen Garcia na misis ni Billy Crawford.

Pagbati, Dianne at Rodjun! Welcome to the world, Baby Rodolfo Joaquin Diego III!

Loading…