White sand sa Manila Bay mae-enjoy na ng publiko

Imahe mula sa DENR
  • Kahabaan ng Manila Bay sa Roxas Boulevard na nilagyan ng white sand handa na sa publiko
  • Ipinasilip ng DENR sa media, bloggers at iba-ibang government agencies ang kaaya-ayang Manila Bay na may white sand
  • Ang kaganapan ay kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day
  • Pormal na bubuksan sa publiko ang lugar sa Linggo, September 20

Sa Linggo, ika-20 ng Setyembre, ay opisyal nang bubuksan sa publiko ang kahabaan ng Manila Bay na nilagyan ng dolomite white sand bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

Inimbitahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Sabado, September 19, ang ilang miyembro ng media at mga bloggers, maging ang ilang ahensya ng gobyerno upang ipasilip ang kaaya-ayang hitsura ngayon ng bahagi ng Baywalk Area sa Roxas Boulevard sa Lungsod ng Maynila.

Ang pasilip sa bagong-bihis na Manila Bay white sand beachfront ay kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup (ICC) Day.

Ang ICC Day ay ang pinakamalaking “volunteer effort” sa buong mundo para sa paglilinis ng karagatan at iba pang mga daluyan ng tubig.

Dahil sa banta sa kalusugan ng umiiral na pandemya, hindi nag-organisa ang DENR ng malawakang coastal cleanup para sa mga volunteers. Sa halip ay nanawagan ito sa mga residente ng Metro Manila na magsagawa ng paglilinis sa kani-kanilang tahanan at kapaligiran.

Screenshot mula sa Juicy Vlogs

“This year thus, DENR National Capital Region will not be organizing coastal cleanups for volunteers. Instead, we call on Metro Manilans to do the cleanup in their own homes,” pahayag ng ahensya.

Ang publiko ay hinikayat din ng DENR na makilahok sa ICC Day sa pamamagitan ng pag-download at paggamit ng “Clean Swell.”

Ang Clean Swell ay isang mobile application na dinivelop ng Ocean Conservancy  na makatutulong sa mga volunteers para madaling mai-record at direktang ma-upload sa “Trash Information and Data for Education and Solution” database ang bawat uri ng basura na nakolekta sa cleanup na ginawa.

Imahe mula sa DENR

Ang database, ayon sa DENR, ay magagamit ng mga scientists, conservation groups,  gobyerno at industry leaders upang mapag-aralan ang mga basura sa karagatan at nang makagawa ng aksyon para matiyak na ang mga basurang iyon ay hindi na muling mapupunta sa karagatan.

Source :

GMA Network, PNA

Loading…