White sand sa Manila Bay mawa-washout lang sa gitna ng tag-ulan – Geologist

Imahe mula sa DENR
  • Puting buhangin na itinambak sa Manila Bay aanurin lang sa dagat sa panahon ng tag-ulan
  • Posibleng magsimula ang washing out ng white sand ngayong taon o sa susunod na taon
  • Nanindigan naman ang DENR na may proteksyon ang white sand laban sa erosion sa pamamagitan ng geotube

Ang synthetic white sand na itinambak sa kahabaan ng Manila Bay ay posibleng ma-washout ngayong taon o sa susunod na taon dahil sa tag-ulan, ayon sa isang eksperto.

Imahe mula sa Infrawatch

Ipinahayag ni Ezekiel Galanto na madaling maanood ang naturang white sand dahil sa water current, tide at mga alon.

“The washing out may take time this year or next year lalo na ngayon na tayo ay pumapasok sa rainy season, lalo na tayo ay nasa La Niña alert pa,” aniya.

Halos ganito rin ang naunang sinabi ng isang eksperto mula sa University of the Philippines Resiliency Institute na si Mahar Lagmay.  Magiging masyadong magastos daw kung palaging papalitan ang mga inanod na artificial white sand.

“If you put white sand in that place, chances are during storms and during high tide, when the waves are high, all of the sand will be washed out and transported.  It’s really going to be expensive if you want to continuously replenish the white sand there. That’s not sustainable,” paliwanag niya.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Nanindigan naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na  hindi mangyayari ang pinangangambahan ng mga eksperto.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, may proteksyon naman ang white sand na itinambak sa Manila Bay upang hindi basta na lang maanod. May engineering intervention daw na ginawa kaya hindi mangyayaring ma-washout ang mga puting buhangin.

“‘Yong sasabihin natin na na-wash away eh hindi po ganoon. Kasi kung washed away siya, dapat wala na tayong nakikitang white sand. Ang nakikita po natin eh although may kaunting erosion pakaunti-kaunti pero hindi siya ganoon kalaki dahil this is protected by a geotube,” ani Antiporda.

Screenshot mula sa ANC video

“Mayroon siyang engineering intervention kaya po hindi mangyayari ‘yon. This can withstand the strong wave, but, of course, we cannot compete with nature. We cannot overpower nature. Kapag nature na o ang kalikasan na ang nagalit sa atin, wala tayong magagawa. We need to come up with a solution… to maintain it and to take care of it,” paliwanag pa niya.

Ipinaliwanag naman ni Galanto na ang paunti-unting erosion ay matutuloy sa mas malaking erosion na magreresulta sa pagka-washout ng dolomite sand.

Source :

MSN, ABS-CBN

Loading…