Huwag ganun! Xyriel Manabat nagsalita na sa mga komento sa kaniyang larawan

Imahe mula kay Darla Sauler at Instagram | Xyriel Manabat
  • Sinita ng child star na si Xyriel Manabat ang mga nag-iiwan ng foul na komento sa kaniyang mga larawan
  • Aniya, hindi kailanman naging tama ang harassment lalo na sa mga menor de edad na kagaya niya
  • Dagdag niya pa, suportado ng kaniyang pamilya ang mga ibinabahagi niya sa social media

Trending kamakailan ang mga larawan ng dating child star na si Xyriel Manabat dahil marami ang nakapansin sa kaniyang pagdadalaga. Ngunit pag-amin niya, hindi niya ikinatutuwa ang ilang mga komento rito.

Imahe mula sa Instagram | Xyriel Manabat

Sa isang panayam kay Darla Sauler ay sinita ng 16 anyos na si Xyriel ang mga hindi kagandahang komento.

“Actually, hindi po ako nafa-flatter sa ibang comments. Kasi yung iba po, below the belt. Sana po alam nila and aware po yung ibang tao na se*ual harassment is never okay. Hindi po siya fine and sa mga nakaka-experience din po, lalo na pag minor. Hindi naman po sila sanay sa ganun,” aniya.

Hindi rin daw nakatutulong ang ganitong pag-iisip lalo na at marami nang pinagdaraanan ang mga tao ngayong pandemya.

“Sa pandemic, maraming may pinagdaraanang problems sa mental health. ‘Wag na pong sumabay. Respect na lang po.”

Imahe mula sa Instagram | Xyriel Manabat

Pabirong sagot naman ng kaniyang Mommy, fixed asset na talaga nila ang pagkakaroon ng malaking dibdib.

Dagdag pa ni Xyriel, sinusuportahan siya ng kaniyang pamilya sa mga ipinopost niya sa Instagram at Facebook.

“Wala naman po silang problema sa ipinopost ko. As long as yung mga caption, ‘yong nakalagay sa mga sinusuot ko, walang nao-offend, walang nilalabag, saka walang tinatamaang tao. Lagi naman po silang kasama pag nagpi-picture ako. Sila pa nga po taga-ayos ng buhok ko,” aniya.

Sa kabila nito, natutuwa naman si Xyriel dahil kahit matagal na siyang hindi lumalabas sa telebisyon ay marami pa rin ang nakakaalala sa mga papel na ginampanan niya sa Agua Bendita, Momay, at 100 Days to Heaven.

Source :

YouTube

Loading…