10 kilong bigas kada linggo, matatanggap ng mga Tanod sa Tagoloan

Image by Tagoloan SHINES via Facebook
  • Kontribusyon ng mga Barangay Tanod ngayong panahon ng pandemya, kinilala sa Tagoloan
  • Mga tanod sa nasabing bayan, makatatanggap ng tig-sampung kilo ng bigas kada linggo
  • Tinawag na “selfless” ang kontribusyon ng mga tanod bilang “watchers and guards” ngayong may pandemya

Bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga Barangay Tanod partikular ngayong panahon ng pandemya ay makatatanggap ng tig-sampung kilong bigas kada-linggo ang mga tanod sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental. Wow, sana all!

Image by Tagoloan SHINES via Facebook

Mababasa pa sa press release mula sa Tagoloan LGU na, ito ay bilang pagpapakita ng simpatiya at compassion ng LGU, sa pamumuno ni Mayor Gomer Sabio, sa “selfless contribution” ng mga tanod bilang mga “watchers and guards” ngayong panahon ng pandemya.

“This is in sympathy and compassionate consideration of their selfless contribution in doing their duties as watchers and guards during this time of pandemic.”

Nasabi pa na maliban sa pagiging watchman ay ginagampanan din ng mga tanod ang trabahong kagaya ng sa mga pulis yamang sila’y itinuturing na barangay police officers.

“This simple incentive is given to motivate them and acknowledge their significant role in maintaining public safety, security and peace and order in our barangays.”

Kagyat naman itong umani ng papuri mula sa mga netizens. “Very impressive leader! Good job. Napakalaking tulong nito sa mga frontliners. May you always be blessed by God, Mayor,” ang sabi ng isa.

May nagkomento naman ng, “Go for good governance Mayor Enan Sabio Gomer, to our beloved Municipality of Tagoloan, we support you mayor, we are only behind you, always, and GOD BLESS YOU.”

Image by Tagoloan SHINES via Facebook

Ang mga Barangay Tanod na may mahalagang papel pagdating  sa pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay at pag-responde sa oras ng kalamidad at pandemya ay hindi naman kalakihan ang natatanggap na buwanang sahod.

Tinatayang tumatanggap ang mga tanod ng nasa P300.00 hanggang P4,000.00 lamang kada buwan, depende sa kayang maibigay ng lokal na pamahalaan.

Sana’y mas marami pang munisipalidad ang makapansin sa mga barangay tanod.

Image by Tagoloan SHINES via Facebook
Source :

Facebook

Loading…