13th month pay ngayong taon posibleng ipagpaliban muna – DOLE

Imahe mula sa HR in Asia
  • Posibleng ipagpaliban muna ang pamimigay ng 13th month pay ngayong taon
  • Ito ang pinag-aaralan ngayon ng DOLE, ayon kay Secretary Silvestre Bello III
  • Ganito rin ang pangamba ng isang grupo ng mga employers sa bansa

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipagpaliban na muna ang pamimigay ng 13th month sa mga empleyado ngayong taon dahil na rin sa nararanasang krisis sa bansa.

Sa isang virtual press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas mabuting ipagpaliban na muna ang pagbigay ng 13th month pay kesa sa tuluyang i-exempt ang mga kumpanyang tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Sec. Bello| Imahe mula sa DOLE

“Instead of not paying, why don’t we just consult labor and management so they could agree on deferment, let’s say give the benefit next year or next month,” paliwanag ng kalihim.

“For me, this is a more acceptable formula to address the issue of non-payment of the mandated benefit,” ayon pa kay Bello.

Paliwanag ni Bello, nasasaad sa batas na ang mga kumpanya at negosyong naka-classify bilang ‘distressed’ ay exempted sa pamimigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Subalit masyado umanong malawak ang classification na ‘distressed’ at kailangan pa itong suriin nang mabuti. Ganunpaman, pinag-aaralan na umano ng ahensiya ang ganitong hakbang at nakikipag-ugnayan na sila sa management at mga empleyado.

Screenshot mula sa ABS-CBN News

Ganito rin ang pangamba ng isang grupo ng mga employers. Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), nakapamigay na ng 13th month ang halos 1,000 miyembro nilang medium at large enterprises samantalang hindi pa rin nakababawi ang mga maliliit na kumpanya.

“We’re talking of the 13th month pay, ‘yung mga maliliit even the 13th month pay, ‘yung mga nagsara, hindi siguro maibibigay ‘yon. Ninety percent ang micro natin, eh hirap na hirap, nag-aantay nga ng tulong,” wika ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis.

Sa kabila nito, umaasa naman ang mga grupo ng mga manggagawa na makagagawa ng paraan ang gobyerno para kahit paano ay may maibigay na ‘aginaldo’ sa mga empleyado sa darating na Pasko.

Loading…