2 batang bumili ng damit panregalo para sa kaarawan ng nanay, pinusuan ng netizens

Image by Sarah Alexandrea Daculap via Facebook
  • Dalawang bata na bumili ng damit para mairegalo sa kaarawan ng nanay, nag-trending
  • Sa una’y nagtaka ang tindera kung bakit sa damit pambabae namimili ang dalawang batang lalaki pero na-touch siya nang magpaliwanag na ang mga ito
  • Sabi ng isang netizen, “‘Yan ang tunay na pagmamahal. Naipapakita kahit sa maliit na bagay”

Umaani ngayon ng papuri ang kuwento ng dalawang bata na nagawang bilhan ng regalong damit ang isang nanay sa kaarawan nito. ‘Ika nga ng sikat na kasabihan, “A gesture does not always need to be grand. Sometimes the little things count more than the big.”

Image by Sarah Alexandrea Daculap via Facebook

Umaga habang naghihintay ng mga darating na kustomer sa kanyang boutique shop si Sarah Alexander Daculap ay may pumasok na dalawang batang lalaki, pero sa halip na damit panlalaki ang tinitingnan nila ay sa mga kasuotang pambabae sila nakatuon.

Pagkukuwento ni Sarah sa kanyang Facebook post, nagtaka umano siya sa sa ginagawa ng dalawang batang tila pumipili ng kasuotang pambabae kaya’t tinanong niya ang mga ito, “Mga kuya ano hanap n’yo?”

Agad namang itinuro ng dalawa ang isang kasuotang pambabae.

Pero ang pagtataka ng tindera ay nabigyan ng kasagutan nang magpaliwanag na ang mga bata. Anila, “Para po sa mama namin! Birthday n’ya po kasi ngayon.”

Dahil dito, na-touch si Sarah kaya’t nasabi niya sa post, “Nakakatuwa! Napaka sweet na mga anak.”

Habang ipino-post ito, ang Facebook update ng tinderang netizen ay nakalikom na ng higit 39,000 reaksyon at nasa 17,000 pagbabahagi.

Image by Sarah Alexandrea Daculap via Facebook

Komento ng isang netizen, “‘Yan ang tunay na pagmamahal. Naipapakita kahit sa maliit na bagay. ‘Di naman kasi pamahalan ng regalo para maparamdam mo pagmamahal mo. Kahit sa maliit na bagay lang. Basta galing sa puso, ‘yan ang totoo.”

Sabi naman ng isa, “Sweet na mga bata. Sweet din kasi ang mama nila. Nakikita talaga sa bata kung papaano siya pinalaki ng mga magulang.”

Saad ng iba, “Naiyak naman ako. Ang sweet ng mga batang ‘yan.”

Ang post ay nag-viral at nakaabot sa kaalaman ng pinagbigyan ng regalo, si Meilyn Caca. Ayon dito, isa lamang ang anak niya sa dalawang bata at ang isa ay kanyang pamangkin. Proud umano siya sa mga ito at sa kanilang ginawa. Super sweet daw talaga ang kanyang anak.

Nasurpresa umano siya sa pagreregalo ng mga ito.

Image by Sarah Alexandrea Daculap via Facebook
Source :

Facebook

Loading…