$60 experimental COVID-19 vaccine, available na para sa ilang Chinese residents

Imahe mula sa Jakarta Post
  • Experimental COVID-19 vaccine ng China, available na sa ilang Chinese residents
  • Pareho ito sa bakunang ibinigay ng China sa ilang grupo sa kanilang bansa gaya ng medical workers
  • Nagkakahalaga ito (dalawang doses) ng 400 yuan o nasa $59

BEIJING, China – Pinayagan na ng pamahalaan ng China ang pagpapaturok ng mga residente ng eastern Chinese city sa experimental COVID-19 vaccine na Sinovac Biotech Vaccine. Ang nasabing bakuna ay kapareho sa ibinibigay ng China sa ilang grupo gaya ng medical workers.

Photo from Pixabay

Nagkakahalaga ng 400 yuan o tinatayang $59 ang bakuna na may dalawang dosage. Ina-administer ang ikalawang dose hanggang 28 araw makaraan ang unang dose.

Ayon sa health officials ng China, pupuwedeng mag-avail ang mga mamamayan nilang may edad 18 hanggang 59 na may “urgent needs” pero hindi na nila tinukoy kung ano ang batayan para sa “urgent needs” na binanggit.

Hindi rin nila binanggit kung ilan na sa kanilang mga residente ang nabakunahan na ng Sinovac Biotech Vaccine pero nabanggit ng mga opisyales na nakapag-administer na ang China ng bakuna sa libu-libo nitong essential workers sa mga daungan, ospital at iba pang high-risk areas.

Sa kasalukuyan ay may 11 Chinese vaccines na nasa clinicial trials at apat dito ay nasa advanced Phase na. Kaya lamang, wala pang pormal na naaprubahan para sa mass market distribution.

Kumpiyansa naman ang China na kaya nilang makagawa ng 610 million na bakuna bago matapos ang taon; sinabi rin nilang mura lamang ang presyo nito.

Imahe mula sa Pixabay

Pangulong Duterte ‘nakahanap na ng pera’ na pambili ng COVID vaccine

Dito naman sa Pilipinas, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanap na siya ng pera at nakahanda na ito sakaling mayroon nang available na lunas sa COVID-19.

“This I can assure you again na nakahanap na ako ng pera. I have the money already for the vaccine, but hahanap pa ako ng maraming pera because there are already 113 (million) Filipinos. And to me, ideally, all should have the vaccine without exception.”

Imahe mula sa PCOO

Loading…