64-anyos na limang araw nagpalutang-lutang sa dagat, nakabalik na sa pamilya

Image by Melanie Neypes via Facebook
  • 64-anyos nagpalutang-lutang sa dagat sa loob ng limang araw
  • Napadpad ang taga-Zambales na si Mang Ernesto sa Pangasinan
  • Sa pagtutulungan ng Pinoy netizens, nakabalik na siya sa pamilya

Sa ating mga Pilipino, mahalaga ang pamilya at ito ang isa sa mga prayoridad natin sa buhay. Papaano na lamang kung may mga kamag-anak tayong bigla na lamang nawala?

Tiyak na nabahala sa paghahanap ang pamilya ni Mang Ernesto nang mawala ito. Mabuti na lamang at nakabalik na siya sa kanila.

Image by Melanie Neypes via Facebook

Nakita kasi si Ernesto Mohamiran, 64-anyos at taga-Subic, Zambales, na palutang-lutang sa dagat kamakailan. Siya ay napunta sa Agno, Pangasinan. Good news at walang masamang nangyari rito.

Pagbabahagi ng netizen na si Melanie Neypes sa Facebook, “Sa mga taga-Zambales po, nakita po siya ni Tito (Emon Neypes) ko na nasa dagat. Limang araw na raw po siyang palutang-lutang sa dagat.

“Siya po ay si Sir Ernesto Mohamiran. Siya po ay 64 na taong gulang. Nakatira raw po siya sa Subic, Zambales! Please share po para matulungan si tatay. Nandito po siya ngayon sa Agno, Pangasinan!”

Nag-trending na ang post ni Melanie na mayroong higit 830 reaksyon at nasa 8,200 pagbabahagi. Nanalangin namang ang maraming netizen na sana’y mahanap nito ang kanyang pamilya at huwag nang hayaang pumalaot pa dahil sa may katandaan na rin ito.

Dahil sa pagtutulungan ng netizens na maibahagi ang kuwento ay may magandang balita na mababasa sa komento ni Melanie sa kanyang post.

Image by Melanie Neypes via Facebook

Saad nito, “Sinundo na po siya ng mga taga-Sta. Cruz, Zambales Coast Guard po! Maraming salamat sa pag-share ninyo. Dahil po diyan, nakontak po namin ang pamilya ni Tatay Ernesto po. Salamat po at God bless.”

Kahirapan ang paniguradong isa sa mga dahilan ng matanda para patuloy na kumayod sa gitna ng pagiging senior citizen. Sana’y maraming magbigay ng tulong para makahanap ng ibang pangkabuhayan at nang hindi na pumalaot pa.

Image by Melanie Neypes via Facebook
Source :

Facebook

Loading…