70-anyos na KPOP fan, nagdiwang ng Park Seo Joon-themed birthday party

Image by Mel Galarrita Menes via Facebook
  • Pagdiriwang ng ika-70 kaarawan ng isang abogada, Park Seo-joon inspired
  • Ang certified KPOP na si Mommy Batch, todo ang suporta sa aktor at nag-aaral na rin ng Korean language
  • Aniya, “I can watch his drama and video many times over, and still want to watch more”

Humakot ng atensyon hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ang kakaibang birthday celebration ng 70-anyos na abogada at plantita. Ang selebrasyon kasing isinagawa sa kanilang tahanan ay Park Seo-joon-inspired. Certified KPOP fan!

Image by Mel Galarrita Menes via Facebook

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Mel Galarrita Menes ang kaniyang nanay na si Atty. Aurelia “Mommy Batch” Galarrita kasama ang life-size standees ng pamosong aktor. Pati ang mga cookies at cupcakes ay may mukha ni Seo-joon.

Wika ni Mel sa Facebook, “Happy 70th Birthday Mom! SURPRISE! Since we couldn’t be with you in person this year, we hope Park Seo Joon makes up for it first.

“Thank you for everything you do for us! Thank you to all family and friends who sent videos and attended her “party”! we appreciate the creative love and effort!”

Ayon sa Inquirer POP, masugid na tagasubaybay ng South Korean actor na si Seo-joon ang birthday celebrant at palagi niyang pinapanood ang mga palabas ng aktor pati na ang kanyang mga panayam na naka-upload online, nag-aaral na rin siya ng Korean language.

Ani Mommy Batch, “I think I can write a book on why I became an avid fan of Park Seo-joon. I like him because he is not only tall and good-looking, he is not only an excellent actor, (but) he is also a good son, he is amiable, modest and acts as if he is clueless about his popularity.”

Image by Mel Galarrita Menes via Facebook

“There is something about the way he moves and smiles, something in his voice, his eyes, his style that is irresistibly appealing. I can watch his drama and video many times over, and still want to watch more.”

Nasabi pa nito na marami siyang larawan ng aktor na naka-display sa kanyang kuwarto, mga pot na may larawan nito, personalized pillows at iba pa.

Image by Mel Galarrita Menes via Facebook

Loading…