70-anyos hindi puwedeng tumigil sa paglalako, anak may mabigat na karamdaman pa

Image by Mangado Lungan Catherin
  • 70-anyos na lola, hindi maaaring tumigil sa pagtatrabaho dahil tiyak na gutom ang aabutin
  • Siya rin ang bumubuhay sa anak na may karamdaman
  • Ang iba pa niyang anak ay may kanya-kanya nang buhay pero hindi nakaluluwag sa buhay ang estado

Matalinhaga kung minsan ang tadhana; yaong mayroong may edad na pero kailangan pa ring magtrabaho para may makain at sila ang inaasahan ng ibang miyembro ng pamilya. Ganiyan ang sitwasyon ng sitenta anyos na si Nanay Mameng.

Image by Mangado Lungan Catherin

Pagbabahagi ni Mangado Lungan Catherine sa Definitely Filipino, hindi pupuwedeng tumigil sa pagtatrabaho ang lola sapagkat tiyak na gutom ang aabutin nila at kasama pa niya ang kanyang anak na may karamdamang iniinda.

Araw-araw, aniya, sa loob ng 40 taon ay hindi nagreretiro ang matanda sa paglalako ng mga kakanin sa Pateros at Taguig kahit na nahahalata na umano na medyo mahina na ang katawan. Suki umano niya si Catherine kaya’t minsa’y nagkukuwentuhan din.

Nabanggit pa ni Catherine na may kanya-kanya nang buhay ang iba pang anak ng pobreng lola at hindi rin naman karangyaan ang estado sa buhay. Mangingisda ang isa niyang anak na nasa probinsya samantalang ang isa pa ay isang stay-in janitor.

“Si nanay naman po ‘yung nagtatrabaho para sa anak po niyang may sakit at sa pang-araw-araw na pangkain. Baka may mga tumulong po sa kanya nang sa ganun ay hindi na siya maglako.”

Image by Mangado Lungan Catherin

Dagdag pa nito, wala na rin ang asawa ng lola. “Saka po wala na rin po s’yang asawa. Balo na po si nanay.”

Nawa’y marami ang magbahagi sa kuwento ni Nanay Mameng para makarating sa mga may mabubuting kalooban at maykaya. Hindi na angkop pa para sa matanda ang ganitong pagtatrabaho. Magtulungan po tayo.

Para sa mga nais tumulong, maaari po ninyong kontakin si Catherine sa kayang social media account.

Image by Mangado Lungan Catherin
Source :

Facebook

Loading…