African national na nakakaawa ang kalagayan, may mga nagpadala na ng tulong

Image by Dianne Chu Guevarra via Facebook
  • African national na naging nakakaawa ang kalagayan, may mga nagpadala na ng tulong
  • Sa naunang sitwasyon nito’y wala itong ilaw at wala ring malinis na tubig
  • Sa ngayon ay may sapat na siyang makakain pero hangad pa ring makabalik na sa kanilang bansa

Humihingi ng tulong ang isang Pinoy netizen sa mga kababayan na tulungan ang kapitbahay nilang taga-Africa. Mayroon naman nang mga nagpadala ng tulong pero bukas pa sila sa mas maraming donasyon at sa tulong para sa tuluyang pagbabalik nito sa kanilang bansa.

Image by Dianne Chu Guevarra via Facebook

Batay sa naunang pagsasalaysay ni Dianne Chu Guevarra, naging sobrang dumi ng tahanan ni Doyere Tiangboh Siriki Coulibaly at wala pa siyang ilaw ni malinis na tubig para inumin.

“Pwede ko bang ihingi ng tulong ‘yung kapitbahay naming African. Sobrang hirap na po kasi ng sitwasyon n’ya ngayong pandemic. Hirap po s’ya araw-araw. ‘Yung tinutulugan n’ya po kasi walang ilaw. Wala po din po s’yang malinis na tubig. Sobrang dumi pa ng bahay n’ya.”

Saad pa ni Dianne, nais na raw umuwi sa kanila ng 33-taong-gulang na Ivorienne. Isang guro, aniya, si Doyere at walong taon nang namamalagi sa Pilipinas.

“Minsan lang po kami umuwi sa bahay namin at nakita po namin ang hirap n’ya. Sobrang bait po n’ya. Nagpapasalamat po s’ya agad. Binigyan po namin s’ya ng pagkain pero alam ko po ‘di sasapat ‘yun.”

Magandang balita naman ang dumating kamakailan, sa bagong post ni Dianne ay mayroon nang mga nagmagandang loob na nagpadala ng tulong kagaya ng mga pangunahing pangangailangan para kay Doyere.

Image by Dianne Chu Guevarra via Facebook

“Sa ngayon po may maayos na po siyang natutuluyan, may mga pagkain, maayos na mahihigaan at nagbigay din po sila ng pang gastos at phone para kay kuya,” sabi nito.

Sinisiguro raw ng netizen na mayroong sapat na pagkain para sa African national habang narito siya sa Pilipinas. Nawa’y mas marami pang tutulong para tuluyan na siyang makabalik sa kanila.

Ani Dianne, maaari siyang kontakin sa social media sakaling gustong bisitahin ang African national at nais magpadala ng tulong.

Image by Dianne Chu Guevarra via Facebook

Loading…