Alagang pusa ‘nag-alay’ ng ahas na dalawa ang ulo sa kanyang human caretaker

Screenshot mula sa WFLA News Channel video
  • Isang pet cat sa Florida ang nagbigay ng ‘alay’ sa kanyang human caretaker
  • Nabigla ang may-ari ng pusa dahil ahas na dalawa ang ulo ang iniuwi ng alagang pusa
  • Ayon sa mga eksperto sa pusa, natural na sa mga ito ang magbigay ng ‘regalo’ sa kanilang human caretaker

Ang mga pusa ay isinilang na hunter. Iyon ang kanilang naturalesa. Kahit ang mga pet cats na hindi na kailangang manghuli ng kanilang kakainin ay hindi mapigilan ang sarili na maghanap at manghabol ng kanilang sisilain.

Imahe mula sa petMD

Kapag may nahuli, kadalasang ibinabahagi iyon ng pusa sa kanyang pamilya. Totoo ito lalo na sa mga babaeng pusa na tinuturuan ang mas batang pusa kung paano manghuli at kumain. Kung ang alaga mong pusa ay nagdala sa iyo ng hayop na nahuli – buhay man o hindi –  nangangahulugan ito na itinuturing ka niyang kapamilya.

Sinasabi ng kanilang instinct na ganoon ang dapat nilang gawin para maka-survive at kailangan nilang maituro ang mahalagang life-saving skills na iyon sa kanilang kapamilya.

Sa Palm Harbor, Florida, isang pamilya ang nabigla sa ‘regalong’ dala sa kanila ng alagang pusa – isang buhay na maliit na ahas na dalawa ang ulo.

Maging ang kapitbahay nila Kay Rogers ay nasurpresa dahil sa ‘alay’ na dala ng pusa.

“Cats and gifts like that? That’s why I’m a dog person,” sambit ng kapitbahay.

Screenshot mula sa video ni Kay Rogers

Ayon sa Florida fish and wildlife officials, ang ahas ay isang rare two-headed Southern Black Racer. Hindi naman daw iyon makamandag.

Wika ni Kay Rogers, ilang araw nilang inalagaan ang ahas na tinawag nilang “Dos.” Ginawan pa nila ito ng terrarium. Hindi daw kasi mabubuhay sa wild ang naturang ahas dahil sa dalawa nitong ulo.

Insekto, butiki at maliliit na palaka raw ang ipinapakain nila, pero pahirapan raw ang pagpapakain nila sa ahas dahil naghihilahan ang magkabilang ulo.

Screenshot mula sa video ni Kay Rogers

“One head would be looking this way and see the food and the other head would be looking that way, so he wouldn’t be there fast enough to get it,” ani Kay Rogers sa video na ibinahagi ng WFLA News Channel 8 via YouTube.

Ang pambihirang ahas ay nasa pangangalaga na ngayon ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commission.

Source :

Facebook, YouTube

Loading…