Alessandra may hirit sa sa 2020 Miss Universe PH controversy: “Somebody spill the tea please!”

Imahe mula sa Facebook
  • Maging si Alessandra De Rossi ay nag-aabang din pala sa ‘pasabog’ ni Miss Taguig
  • Natuwa ang mga followers ni Alex sa Twitter dahil sa kaniyang mga hirit
  • Subalit hanggang ngayon ay tila bigo ang mga ‘abangers’ sa pasabog ni Lemonon

Sa isang simpleng tweet ay binulabog ni Alessandra De Rossi ang kaniyang mga followers na katulad niya ay naghihintay ng ‘pasabog’ ni Miss Taguig Sandra Lemonon tungkol sa diumano’y naging kontrobersiya sa katatapps lamang na 2020 Miss Universe Philippines.

Magugunitang may mga cryptic post si Miss Taguig sa kaniyang Instagram kabilang na rito ang “Get your tea” na may kasamang larawan ng isang tasang may tea. Sinundan niya ito ng “Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen but what you forgot to say is that REAL queens Play FAIR don’t CHEAT.”

Screenshot mula sa Instagram

Bigla tuloy napa-tweet si Alessandra ng “Somebody spill the tea please!” na tila curious din sa mga post ni Lemonon.

Ibinahagi rin ng aktres ang kaniyang pagnanais na ‘makitsismis’ sa hinihintay na pasabog ng talunang beauty queen. Aniya, “The chismosa of the day goes to me! Today lang!” na may kasamang laughing emoji.

Dagsa kaagad ang komento sa tweet ni Alessandra mula sa kaniyang followers na naghihintay din ng ‘tsismis’.

Screenshot mula sa Twitter

“May pa-suspense kasi si besh. Bukas pa daw,” sagot ng isang commenter.

“Me tooooo! Can I get a chismis update kn this thread? HAHAHHA,” ayon naman sa isang follower.

“These ladies can spill the tea all they want but at the end of the day its all water under the bridge. Canal water. Lol! Sourgrape turned bitter,” dugtong naman ng isa pa.

Bukod dito, tila may hirit pang muli si Alex dahil ibinahagi pa niya ang lyrics ng kantang ‘Without me’ ni Eminem kung saan nakalagay ang linyang ‘Cause we need a little controversy’.

Screenshot mula sa Twitter

“Sabi na rin! Sali kami!,” ayon pa sa tweet ng aktres.

Subalit tila nabigo naman ang mga umaasa sa pinakahihintay na ‘revelation’ ni Lemonon tungkol umano sa nangyaring dayaan sa Miss Universe PH 2020 pageant.

Sunod-sunod kasi ang kaniyang IG post ilang oras matapos ideklarang nanalo si Miss Iloilo Rabiya Mateo. Ilan sa kaniyang mga cryptic post ay: “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts.”

Sinundan pa niya itong muli ng “The truth always comes out [cooked egg in a pan emoji]. It’s about timing. Karma is real [coffee and clock emoji] soon because we deserve justice.”

Loading…