Amang may karamdaman nanlilimos para sa gatas, pagkain ng tatlong anak

Image by Robert Hendrick Salvador via Facebook
  • Lalaki, naispatang namamalimos para sa pagkain at panggatas ng tatlong anak
  • Mayroon pa umano siyang lusl0s sa bituka
  • Mababasa pa sa karatulang hawak ng lalaki na sobrang hirap na siya at walang ibang malapitan

Ang mga kamag-anak na may kaya ang siyang kalimitang nilalapitan para kahit papaano’y makaraos sa mga mapanghamong panahon. Kaya lamang, kung minsan maging sila ay walang-wala o ‘di kaya’y nasa malayong lugar. Dahil dito, may mga walang pagpilian kundi mamalimos na lamang para maka-survive.

Image by Robert Hendrick Salvador via Facebook

Umantig sa marami kamakailan ang larawan ng isang lalaki na umiiyak habang namamalimos sa tabi ng kalsada. Makikita siya malapit sa gate ng Central PhilPost Paranaque na malapit sa tulay na under construction.

Mababakas sa mukha ng lalaki ang labis na kalungkutan at problemado na sa paghahanap ng pera. Nabanggit sa karatulang hawak na kailangan nito ng tulong para sa tatlong anak at sa kanyang karamdaman.

“Pasensya po wala lang po akong ibang malapitan sobrang hirap na ko sa pangkain at panggatas ng aking tatlong anak at sa king lusl0s sa bituka. God bless. Parawang awa nyo na po pls,” ang mababasa sa hawak ng lalaki.

Nakakuha ng atensyon sa social media ang namamalimos makaraang ibahagi ni Robert Hendrick Salvador sa Facebook ang larawan ng lalaki.

Ani Robert, “Patulong naman kay kuya, nasa tabi po s’ya ng gate ng Central PhilPost Paranaque. Sa tabi ng ginagawang tulay. Mababasa naman po n’yo mga hinanaing n’ya. Habang nakaupo s’ya ay umiiyak.

“Paki-share na rin po baka sakaling may makakita at makatulong sa kanya. Sa ganitong paraan, sana ay nakatulong ako sa kanya kahit papaano.”

Image by Robert Hendrick Salvador via Facebook

Habang ipino-post ito ay nakakuha na ng higit 41,000 reaksyon at nasa 91,000 pagbabahagi ang update ng Pinoy netizen. Marami ang naawa at nag-tag sa pamosong programa ni Raffy Tulfo sa telebisyon.

Komento ng isa, “Sana matulungan. Para sa’kin OK na ‘yung nanghihingi s’ya kesa gumawa ng masama. Sana po matulungan.”

May nagsabi naman ng, “Ang hirap lumaki nang walang kamag-anak na malapitan sa oras ng pangangailangan.”

Image by Robert Hendrick Salvador via Facebook
Source :

Facebook

Loading…