Ang pinakamalaking “coffee painting” sa buong mundo

Imahe mula sa Guinness World Records
  • Isang female artist mula sa Saudi Arabia ang gumawa ng world record sa pagpinta ng pinakamalaking coffee painting sa buong mundo
  • May sukat na 220.96 square meters, ang artwork ay tinawag na “Naseej 1”
  • Tampok sa coffee painting ang wangis ng mga founding fathers ng Saudi Arabia at UAE

Nakagawa ng world record ang isang artist mula sa Saudi Arabia matapos niyang iguhit ang pinakamalaking artwork sa buong mundo na ginamitan ng coffee granules.

Imahe mula sa Irish Times

Si Ohud Abdullah Almalki ang kauna-unahang Saudi woman na mag-isang nakasungkit ng bagong Guinness World Record.

Gumamit si Almalki ng apat at kalahating kilo ng expired coffee granules para iguhit ang founding fathers ng Saudi Arabia na si King Abdul Aziz bin Saud at ng United Arab Emirates na si Sheikh Zayed bin Sultan Al-Nahyan.

Sa ilalim ng dalawang malalaking pigura ay iginuhit din niya ang mas maliliit na portrait ng iba pang lider ng dalawang bansa na sina Custodian of the Two Holy Mosques King Salman bin Abdulaziz Al Saud, His Highness Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, His Highness Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, His Highness Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan, at His Royal Highness Prince Mohammed bin Salman bin Abdulaziz Al Saud.

Pitong magkakadikit na tela ang ginamit niya bilang canvass. Ang coffee painting na tinawag na “Naseej 1” ay may sukat na 220.96 square meters, ayon sa pahayag ng Guinness World Records.

“Normally, only one kind of coffee is used in such paintings, but I have used 4 different shades of brown coffee. I used several rollers and paint brushes of different sizes to finish this project,” aniya.

Imahe mula sa Guinness World Records

Natapos ni Almalki ang painting sa loob ng 45 days na walang humpay na pagpipinta.

“It took me 45 days of continuous work to complete, under the watchful eyes of two witnesses, video recording and drone footage,” anang Saudi artist na tanyag sa tawag na ‘The Artist of the Nation.’

Sinabi ni Almalki na layunin ng kanyang coffee painting ng mga lider ng Saudi Arabia at UAE na ipabatid sa mundo ang matagal nang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Loading…