Angel Locsin nagsalita sa red-tagging, hinikayat ang iba na magsalita

Image by Angel Locsin via Instagram
  • Kapatid ni Angel Locsin na si Ella Colmenares, inakusahan ng mataas na opisyal na may kaugnayan sa makakaliwang grupo
  • Itinanggi ito ni Angel
  • Anang aktres, hindi nangangahulugang puwede nang ma-red tag kung iba ang paniniwala yamang ang kalayaan sa sariling paniniwala ay alinsunod sa Konstitusyon

Mariing pinabulaanan ng aktres na si Angel Locsin na miyembro siya, ang kanyang kapatid na si Ella Colmenares o ang kanyang kuya Neri Colmenares ng New People’s Army o NPA. Ito’y makaraang maglabas ng pahayag si NTF-ELCAC spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. tungkol sa diumano’y kaugnayan ni Ella sa makakaliwang grupo.

Image by Rose Plazo via Instagram

Nasabi kasi ng spokesperson na si Ella ay “part of the underground” at “operated in Quezon especially in Polillo Island” sa panayam sa ANC Headstart. Saad pa nito, “She’s now again doing legal work with Gabriela, recruiting members for Gabriela.”

Si Ella ay bahagi ng Kabataan Party-list pero bigong makakuha ng sapat na boto noong nakaraang eleksyon para sa posisyon sa Kongreso.

Tugon ni Angel, “To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.”

Sinabi nitong may kalayaan ang bawat mamamayan sa ating bansa na magsalita at maghayag ng paniniwala alinsunod sa Konstitusyon. Hindi umano nangangahulugang puwede nang ma-red tag kung magkaiba ang paniniwala.

Mali aniya ang nagaganap, kasabay ang panawagan na tigilan na ang red tagging at hinikayat niya ang iba na magsalita at suportahan ang iba pang nare-red tag gaya nina Liza Soberano at Catriona Gray na naghahayag lamang daw ng opinyon.

Image by Angel Locsin via Instagram

Sa halip na gugulin, saad pa ni Angel, ang halagang 19.3-billion sa mga paratang na walang basehan at pananakot ay gamitin na lamang ito na pondo ng AFP sa COVID-response, at itulong sa kababayang nangangailangan at nawalan ng trabaho.

“By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family.”

Image by Angel Locsin via Instagram

Loading…