Angelica Panganiban kay John Lloyd: Baka naman pwedeng magparamdam ka?

Imahe mula sa Instagram | Vicki Belo at Angelica Panganiban
  • Nagsama-sama sa isang vlog ang magkakaibigang sina Angelica Panganiban, Kim Chiu, at Bela Padilla upang gawin ang Jojowain o Totropahin Challenge
  • Ilan sa mga pangalang nabanggit ay mga ex-boyfriend ni Angelica
  • Mensahe ni Angge kay John Lloyd Cruz, sana ay magparamdam at magpaalam siya sa aktres

May mensahe ang aktres na si Angelica Panganiban para sa kaniyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Imahe mula sa Instagram

Sa isang episode ng vlog ni Kim Chiu ay ginawa niya ang Jojowain o Totropahin Challenge kasama ang kaniyang mga kaibigang sina Angelica at Bela Padilla. Dito ay nagpakita siya ng mga larawan ng foreign at local celebrities at sasabihin nila kung may chance ba itong maging boyfriend nila o kakaibiganin lamang nila ito.

Nagsimula si Kim sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng Hollywood at Korean actors. Maya-maya pa ay Filipino stars naman ang binanggit ni Kim. Ilan sa mga ito ay sina Joshua Garcia, Enrique Gil, Daniel Padilla, Jericho Rosales, at Zanjoe Marudo.

Nabanggit din ni Kim ang mga ex ni Angelica na sina Carlo Aquino at John Lloyd Cruz. Hindi sumagot si Angelica kung jojowain o totropahin niya si Carlo ngunit ipinaabot ng magkakaibigan ang pagbati rito matapos na manganak ang kaniyang partner na si Trina Candaza.

Imahe mula sa video ni Kim Chiu via YouTube

Samantala, unang sumagot si Bela na totropahin niya si John Lloyd. “Sa ugali niya ngayon, kung nasaan siya ngayon, totropahin.”

Agad naming sumingit si Angelica at itinanong, “Bakit, nasan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya? Kung nahanap ka na baka naman pwedeng magparamdam ka at magpaalam ka one last time.”

Maya-maya ay seryoso ring sinagot ni Angelica na hindi niya na nakikita ang sarili na muling makipag-relasyon kay JLC. “Sa picture niya na ‘yan, jojowain. Kaya lang hindi ko na talaga kayang jowain ‘yan e.”

Matatandaang naging magkasintahan sina Angelica at John Lloyd sa loob ng tatlong taon bago sila maghiwalay noong 2016. Noon ay na-link si John Lloyd kay Ellen Adarna, na ngayon ay ina na ng kaniyang anak na si Elias Modesto.

Panoorin dito ang video:

Source :

YouTube

Loading…