Ano nga ba ang “worst teleserye” na nagawa ni Heart Evangelista?

  • Pinangalanan ni Heart Evangelista ang “worst teleseryeng” ginawa niya
  • Ito ay ang “Hiram na Mukha” na naging teleserye sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula
  • Hango ito sa isang pelikulang pinagbidahan ni Nanette Medved

Isinawalat ni Heart Evangelista sa kaniyang latest YouTube vlog ang kaniyang mga reaksyon sa mga old videos ng kaniyang mga naging proyekto sa ABS-CBN kung saan siya unang nagsimula at sumikat.

Makikita sa YouTube channel ni Heart na nakapangalan sa kaniyang tunay na pangalan ang mga reaksyon niya sa bawat video clips ng mga ito. Sa lahat daw ng kaniyang mga naging proyekto, maituturing niyang “worst” ang paggawa sa teleseryeng “Hiram na Mukha” na hango sa pelikula ni Nanette Medved.

Image capture mula sa YouTube channel ni Heart Evangelista

Ang naturang serye ay tumagal lamang ng anim na linggo, na umere noong 2007 katambal si Geoff Eigenmann. Gumanap siya rito bilang “Carissa,” ang taong unggoy, na dumaan sa total transformation sa pamamagitan ng plastic surgery, dahil sa doktor na tumulong sa kaniya.

Maituturing niyang worst ito dahil sa mabigat at mainit na prosthetics na kailangan niyang suutin; kahit na bigat na bigat siya sa pagsusuot nito sa kaniyang mukha, wala naman siyang magawa dahil iyon ang hinihingi ng kaniyang karakter. Tiniis na lamang daw niya ang lahat, dahil kailangan niyang kumita ng pera. Hindi na kasi siya humihingi noon ng allowance sa kaniyang mga magulang.

“Puro iyak pa iyong scenes, so iyong sipon would be here inside the mask and I have to squeeze it up like that to the mask’s nostrils, so I’d take it out from the top part, it was so bad. But, yeah, now, ine-enjoy ko na lang iyong mga nangyari!” sabi ni Heart.

Bukod sa kailangang kumita ng sariling pera dahil ninais niyang maging independent, hindi raw mawawala sa kaniya ang passion sa pag-arte. Bata pa lamang daw siya, pinangarap na niyang maging artista, kaya naman kahit minsan ay nahihirapan siya, ibinibigay pa rin niya ang 100% sa trabaho.

Public Domain Image

Noong 2008, lumipat si Heart sa GMA Kapuso Network at napanatili niya naman ang kaniyang kasikatan hanggang sa kasalukuyan. Siya ang misis ng dating senador at ngayon ay gobernador ng Sorsogon na si Francis “Chiz” Escudero.

Samantala, panoorin ang naturang vlog na may pamagat na “Reacting to Old Videos of Myself on the Net” via official  YouTube channel ng aktres:

Loading…