Anong utak ‘to? Kulturang nagpapahirap sa mga kababayan, pinuna ng netizens

Image by Alvin Gutay Mortel via Facebook
  • Kulturang todo tawad sa mga dukha pero may pa-tip pa sa mamahaling resto, pinuna ng netizen
  • Alvin Gutay Mortel: “We always want to show that we are powerful to those unpowerful one”
  • Sinuportahan ito ng netizens

Hindi na napigilan ni Alvin Gutay Mortel ang sarili at hayagang binanggit ang mapanirang kultura na isa sa mga lalong nagpapahirap sa mga dukha nating kababayan habang lalo namang pinapayaman ang mga maykaya.

Image by Alvin Gutay Mortel via Facebook

Ani Alvin, may mga kababayan na ang lakas tumawad sa mga walang kakayanan samantalang mayroon pang pa-“keep the change” kapag kumakain sa mga restaurant.

“Toxic Filipino culture,” saad niya. Dagdag pa nito, “Ang lakas tumawad sa mga walang kakayanan at magsasabe kukuha ako ng tatlo, discount na ‘yung isa. Pero nagsasabi ng keep the change sa restaurant. We always want to show that we are powerful to those unpowerful one.”

Kasama sa post ang larawan ng isang maglalako na nakahahabag ang kalagayan habang nagsasaayos ng mga paninda. Mistulang kagigising lamang ng tindero at natulog pa yata sa mismong lugar ng pagbebentahan niya.

Nagsasaayos ang mama ng kanyang mga paninda sa tabing-kalsada.

Ang post na ito ni Alvin ay nag-viral sa social media at mayroon nang nasa 57,000 reaksyon at aabot 102,000 pagbabahagi habang ibinabahagi ito. Maraming netizen ang sumang-ayon na tigilan na ng mga kababayan ang ganitong kultura.

Image by Alvin Gutay Mortel via Facebook

Komento ng isa, “Sana tayong mga Pinoy, matutong isaisip at isapuso ang pakikipag-kapwa tao lalo sa kababayan natin na kapag makakita tayo ng taong nagsusumikap, suportahan natin, kakilala man natin o hindi. Lahat may pangarap, hindi lang sabay-sabay ang oras ng pag-angat. Minsan ‘yung maliit na ginawa mo ay napakalaki na para sa ibang tao.”

Saad naman ng iba, “Kapag sa kalsada, todo tawad ka. Halos isagad na nung nagbebenta mabili mo lang, pero kapag nagbebenta is mayaman or may kaya, may tubo na ang binayad mo, may tip ka pa. Baliktad ang mentalidad ng Pinoy.”

May mga nagsabi namang diskarte ang tawag dito sapagkat hindi naman daw ibibigay ng maglalako ang paninda sa presyong hinihingi kung lugi sila.

Source :

Facebook

Loading…