Apat na pulubi, nanalo ng katumbas ng halos P3 million sa inilimos na scratch card

Imahe mula sa Pixabay
  • Apat na pulubi, namamalimos sa labas ng isang lotto outlet sa France
  • Isang lotto player ang nagbigay sa kanila ng isang scratch card
  • Nanalo ang scratch card ng 50,000 Euros o katumbas ng P2,847,040 na patas nilang pinaghatian

Laking tuwa ng apat na pulubing namamalimos sa hindi inaasahang biyaya na kanilang natanggap mula sa isang mananaya ng French Lotto.

Imahe mula sa FDJ

Ayon sa FDJ, isang French public gaming and lottery company, dakong hatinggabi ay humingi ng limos ang apat na pulubi sa isang paalis nang lalaki na tumaya sa lotto outlet sa bayan ng Brest. Isang scratch card na binili niya sa halagang 1 Euro ang ibinigay niya sa apat na namamalimos.

“They were asking, hand outstretched, around midnight, and a customer who left the establishment decided to give them his ticket worth €1,” ayon sa FDJ.

Matapos kiskisin ang card ay nagulat ang apat na pulubi, na tinatayang nasa 30s ang mga edad, sa swerteng natamo nang gabing iyon. Tumama ng 50,000 Euros o katumbas ng P2,847,040 ang scratch card inilimos sa kanila ng lotto player.

“What a surprise for the four young men when they discovered a win not of five euros, but of 50,000 euros,” sabi ng FDJ.

Ayon  pa sa lotto company, bagama’t halos matulala ang apat sa swerteng dumapo sa kanila ay malinaw naman ang naging desisyon nila na patas na paghatian ang napanalunang halaga.

Imahe mula sa FDJ

“They were dumbfounded, but lucid,” pagsasalarawan ng isang lokal na pahayagan sa France sa apat na publubi.

Wala pa umanong plano ang apat kung ano ang gagawin sa pera nila, pero mabilis silang nagdesisyon na agad lisanin ang lugar.

 

Loading…