Arch. muna bago Mrs.: Netizen natupad ang pangarap na maging architect isang araw bago ikasal

Imahe mula sa Facebook | Maryleen Beltran-Flores
  • Natupad ang hiling ni Maryleen Beltran na makapag-oath taking bilang architect bago ikasal
  • Isang araw bago ang kaniyang kasal noong Setyembre 27 ay nakapanumpa siya
  • Pagbabahagi niya, nakikinig talaga ang Diyos sa ating mga panalangin

Kung may isang hiling ang netizen na si Maryleen Beltran bago siya maging isang ganap na misis ngayong taon, ito ay ang makapag-oath taking muna siya bilang isang ganap na arkitekto.

Imahe mula sa Unsplash

Ito raw ang kaniyang ipinanalangin ngunit pag-amin niya, nawalan na siya ng pag-asa lalo na nang tumuntong ang Setyembre, ang buwan kung kalian nakatakda ang kaniyang kasal.

“Months before the wedding, hinihintay ko talaga ‘yong Architects’ Oath Taking kasi ikakasal na ako, hindi pa rin ako architect. ‘Yon kasi ang gusto kong i-achieve bago ako maging misis. Nawalan na ako ng pag-asa kaya ni-let go ko na. Baka next year na nga talaga,” sabi niya.

Ngunit noong ikalawang linggo ng Setyembre ay sinabi sa kanilang matutuloy ang kanilang oath taking sa buwan na iyon.

Imahe mula sa Facebook | Maryleen Beltran-Flores

“Ipinagdadasal ko na ‘wag 27. Noong sinabi nilang 26, naiyak ako. I remembered my prayer to God,” sabi niya. “Sineryoso pala ni Lord ang prayer ko. Naging architect nga ako one day before my wedding.”

Para kay Maryleen, worth it ang pagkaantala ng kaniyang kasal at oath taking dahil sa pandemic. Ang mahalaga raw ay natuloy pa rin ang mga ito.

“Lesson? Nine years man sa college, na-delay man ang season mo, do not worry, hindi ka napag-iiwanan. Kaya ni Lord i-fast forward ang mga susunod sa season mo sa loob ng isang araw,” pagbabahagi niya.

Marami ang naka-relate sa post ni Maryleen na ngayon ay may mahigit 25k reactions at 7.7k shares na. “So true! Saka wala ‘yan sa kung gaano ka katagal sa college. After all, kapag naka-graduate tayong lahat, pantay-pantay na rin,” komento ni L. Gonzales.

Congratulations and best wishes, Architect!

Source :

Facebook

Loading…