Asong minaltrato at iniwan sa bahay mag-isa, nakaaantig ang yakap sa mga rescuers

Image by Toro (the homeless hugger) via Instagram
  • Labis ang pasasalamat ng isang aso na ni-rescue kamakailan, patunay ang abot kinse minutos umano na pagyakap nito sa mga rescuers
  • Pinaniniwalaang iniwan siya sa lugar mag-isa nang walang pagkain o tubig, ikinadena pa
  • Naghahanap na sila ng taong aampon sa aso

Abot-langit ang kasiyahang nadarama ng isang aso makaraang mailigtas siya sa loob ng isang bahay na wala nang tao kaya’t todo-yakap siya sa mga rescuers. Nakakadena pa kasi ang aso noon at pinaniniwalaang iniwan sa lugar mag-isa nang walang pagkain o tubig.

Image by Toro (the homeless hugger) via Instagram

Pagbabahagi ng mga volunteers mula sa Town of Hempstead Animal Shelter, napansin nilang may takot na nadama ang aso sa mga tao.

Kalaunan, marahil nang mapagtanto na ang mga rescuers ay dumating para iligtas siya ay sinimulan na niyang yakapin ang mga tumulong. Ang touching na pagyakap na ito ang siyang nagbunsod para makilala ang aso bilang si Toro, ang homeless hugger.

Anang isa sa mga rescuers, tumagal ng abot kinse minuto ang pagyakap ng aso sa kanila nang pakawalan nila ito. May mga pagkakataon pa umanong tinatalon niya sila, na siyang nagpapakita ng kasiyahan.

Si Torro ay may breed na Terrier/Mix, lalaki at nasa lima hanggang anim na taong gulang. Sa kasalukuyan ay hinahanapan pa nila ang aso ng taong aampon dito.

“Toro is still waiting for his forever home, with someone who will give him structure, love, and patience. Toro is shy but super sweet and affectionate when he gets to know you. Toro is looking for an adult only home due to guarding he displayed in his last adoptive home.”

Image by Toro (the homeless hugger) via Instagram

Napag-alaman na marahil ay sa labas namamalagi ang aso kaya’t wala itong sapat na kasanayan sa socialization kasama ang tao kaya’t mahalaga umanong mabigyan siya ng istruktura at sanayin sa basic obedience.

“Toro is recommended to be the only pet. We want to see this boy in a loving home, after all he’s been through, he deserves the best.”

Image by Toro (the homeless hugger) via Instagram

Loading…