Ayuda para sa mga sanggol, buntis ikinasa ng IATF

Screenshot mula sa Alter Midya video
  • Mamamahagi ang pamahalaan ng ayuda para sa mga sanggol at buntis
  • Sa ilalim ng dietary supplementation program, ang mga buntis at sanggol na ang edad ay mula 6 months hanggang 23 months ay tatanggap ng cash o kaya ay food packs
  • Hindi pa naidetalye kung magkano at kailan ipamamahagi ang ayuda

Nakatakdang magpatupad ang pamahalaan ng panibagong cash subsidy o katumbas na halaga nito sa food packs na ipamamahagi sa piling sektor ng populasyon.

Imahe mula sa Philippine News

Ang target beneficiaries ng bagong ayudang ito ay ang mga sanggol na wala pang dalawang taong gulang at ang mga “nutritionally at risk” pregnant women.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa ilalim ng dietary supplementation program, bibigyan ng ayudang cash o food packs ang mga sanggol na ang edad ay 6 months hanggang 23 months at ang mga nutritionally at risk na mga buntis.

Napagdesisyunan umano ito sa pinakahuling pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ayon kay Roque.

Sinabi pa niya na ang programang ito ay bahagi ng pagpapahusay ng healthcare para sa mga mamamayan at isa na ring pamamaraan upang maibsan ang dumaraming pamilyang Pilipino na nakararanas ng gutom sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa ABS-CBN

“Ito po ay alinsunod sa obligasyon ng estado na itaguyod ang karapatan ng kalusugan, lalung-lalo na po ng kabataan at ang mga nagdadalang-taong mga nanay,” ani Roque.

Matatandaang lumabas sa resulta ng survey na ginawa ng Social Weather Station kamakailan lang na mahigit pitong milyong pamilyang Pinoy ang minsang nakaranas ng kagutuman sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.

Hindi nilinaw ng tagapagsalita ng Pangulo kung magkano at kailan ipamamahagi ang nasabing ayuda. Ang tanging siniguro niya ay lahat ng mga nabanggit na benepisyaryo ay makatatanggap ng ayuda anuman ang katayuan nila sa buhay.

Imahe mula sa PCOO

Loading…