Babaeng 28 anyos na tila nakulong sa katawan ng isang sanggol mag-isang inaaruga ng single mother

Screenshot mula sa Stand for Truth video
  • Sa unang tingin ay tila isang sanggol pa rin ang 28-anyos na si Sarah
  • Sinabi ng isang endocrinologist na mayroon siyang congenital hypothyroidism o kakulangan ng thyroid hormones
  • Kung maagang napatingnan sa doktor ay posibleng naagapan ang kondisyon ni Sarah

Twenty eight years old na si Sarah pero mukha pa rin siyang sanggol dahil sa kaniyang pambihirang kondisyon. Hindi rin na-develop ang kanyang pag-iisip.

Screenshot mula sa Stand for Truth video

Hindi siya nakakalakad kaya isinasakay siya ng kanyang ina sa andador para hindi palaging kinakarga. Dahil may problema siya sa lalamunan at hirap lumunok, lugaw at gatas lang ang kinakain niya.

Kuwento ng nanay niya na si Merly Isao, ilang buwan matapos niyang isilang si Sarah ay napansin niyang halos hindi gumagalaw sa higaan ang anak. Hindi rin ito lumalaki. Napagtanto niya na may diperensya si Sarah. Ngunit dahil sa kakapusan sa pinansyal na kakayahan ay hindi niya agad napatingnan sa doktor ang anak.

Walong taon na si Sarah nang una siyang madala sa pagamutan upang mapasuri. Doon nalaman na mayroon siyang hypothyroidism. Hindi naipagpatuloy ni Merly ang pagpapagamot kay Sarah dahil sa kahirapan ng buhay nila.

“Ngayon. binigyan po siya ng reseta ng doktor… sa buto daw po ‘yun. ‘Yun po ang tinuloy-tuloy ko. Nung nakapunta na kami sa doktor noon, hindi na kami nakabalik na continuous nagpa-check up kasi nga ang hirap, walang pang-gastos,” lahad ni Merly.

Screenshot mula sa Stand for Truth video

Sinabi ng isang endocrinologist na posibleng congenital hypothyroidism o cretinism ang kondisyon ni Sarah. Ito ang kakulangan sa thyroid hormone.

“Cretinism is ‘yung pinanganak ‘yung baby na kulang sa thyroid hormones kasi mayroon siyang problema sa thyroid glands,” wika ni Dr. Mia Fojas.

Screenshot mula sa Stand for Truth video

Ayon sa WebMD, ang thyroid hormones ang may impluwensya sa growth and development. Importante rin ang sapat na thyroid hormones sa brain development ng mga sanggol at bata.

Naaagapan naman daw ang ganitong kondisyon kung maagang napatingnan sa mga doktor, subalit huli na para kay Sarah.

Mag-isa na lang binubuhay ni Merly si Sarah at isa pang anak matapos silang iwan ng kanyang asawa. Ipinangako niya na hinding-hindi niya susukuan ang pag-aalaga sa espesyal niyang anak.

Screenshot mula sa Stand for Truth video

Loading…